Bella POV Muling limipas isang buwan. Hangggang ngayon hinahanap-hanap ko pa rin si Harris. Kahit nandito si Carlos sa tabi ko iba pa rin ang pagmamahal ng lalaking gusto mo. Lumaki na rin ang tiyan ko. Madalas rin ako mapagod dahil mahina ang kapit ng baby ko. "Ma'am. Bella, may sulat po kayo galing sa delivery boy?" untag ng babae sa akin. "Ha? Wala naman ako inaasahan na may magpadala sa akin. Isa pa hindi naman ako lumabas sa kwarto ko," takang saad ko kay Brenda. "Ang sabi po, sa' yo' po ito kaya kinuha ko na ang sulat?" sagot nito sa akin. Kahit nagtaka ako binuksan ko pa rin ang sulat na bigay sa akin ni Brenda. Hindi ito umalis sa tabi ko. Binuksan ko ang sulat na bigay sa akin. "Sino kaya ang taong nagpadala ng sulat na ito?" saad ko sa aking sarili. Binuklat ko ang sula

