Chapter 6

1718 Words
Rennei. "Isla, nag landing na yung plane nila sir. Paki sabi kina manong fred i ready na nila yung mga sasakyan. At salubungin nalang kami sa arrival area" sabi ni jane. Tumango tango ako habang naglakad palabas ng airport at pinuntahan sina mga manong, yung mga driver sa parking area, syempre malaki yung parking area na yun at naligaw ako at syempre hinanap ko muna sila. Nakalimutan ko na pangalan nila, basta si manong fred at yung isa at isa. Pwede na yun. "Mga manong, i ready nyo na daw po yung mga sasakyan tas salubungin nalang daw po sa arrival area sina maam, pinapasabi po ni ate jane" ako. Nag sakayan na sina mga manong at sumakay na ako sa isang pick up na ang mag dridrive si manong fred na yun lang ang alam kong pangalan lol. Nag drive na mga ito, papuntang arrival area. grabe din ah, mag susundo talaga 2 trucks and 1 kotse?, tangeneng yan. Pag nga sinusundo mga ate ko, isang van lang tas yung nakasakay anim, excited lang eh, tas pahirapan pa sinong mag dridrive papuntang manila kasi baka maligaw, iilan lang may gamay sa manila sa pamilya ko. Kaya arkila ng driver pag may susunduin. At pag dumating na sila siksikan pa, hahaha may sisihan pa bat sumama si ganto at ganyan lol, pano ba naman pati si havoc, yung aso ko, este aso ni ate ko na ako nag aalaga kaya parang aso ko na, sinasama din hahah, pamilya na yun eh. Na mimiss ko na pamilya ko, ate ko at pamangkin kahit tamad sila, kala mo ako di tamad lol. Ilang minuto lang silang nag hintay sa arrival area at nakita ko ng lumabas sa pinto si ate jane, habang tulak tulak ni manong isa yung cart ng mga gamit ng mga amo ko. Napalunok ako. f**k! Napaparanoid ako. Pinag papawisan na din ang kamay ko, at nanlalamig yun, hahahah nervous pa more, sa sobrang pawis pwede ng inumin lol. Una nyang nakita si sir gavin strattan, asawa ni maam cecilia, na tulak tulak din ang isang cart. Alinlangan na sumunod ako kay manong fred ng lumapit ito sa mga amo nila. Kinuha ni manong fred ang tulak tulak na cart ni sir gavin at pumunta ito sa pick up para i lagay ang mga gamit dun. Syempre ayaw ko naman na isipin nila tatamad tamad ako na totoo naman, kaya agad agad lumapit ako kay ate jane at tinulungan ito sa ginagawa. Na di ko din alam kung anong ginagawa nya. Pakilamera lang?. "Oh isla how are you?" Tanong ni sir gavin ng makita ako. Halos hindi ako makasagot, kahit may edad na ito, gwapo pa din. Naku po bat yung tatay ko may edad na di ganto itsura?. Sabagay di na ako mag tataka, mayaman sila eh lol. Kami sakto lang di mayaman di mahirap, nakakain ng tatlong beses sa isang araw at sobra pa, kain ka lang kung kailan mo gusto, pero kung ako nasa lugar nila maam cecilia, mahirap pa din kami sa paningin nila panigurado. Kasi kung compare sa iba na walang wala, yung tipo ng pamumuhay namin may kaya na. Sa ibang mayaman naman, yung tinging nila sa klase ng pamumuhay namin ay walang wala. Sabagay ganun talaga. Life is unfair. "O-ok naman po ako, kayo po?" Sagot ko. syempre sasagot na ako, baka mainip si sir kasi di pa ako sumasagot, kasi busy akong nag cocompare sa klase ng pamumuhay namin eh. Ganun talaga di ako insecure pero kung makikita mo, andaming taong nagugutom daming walang trabaho, daming di nag aaral kasi walang pera, kahit sino naman ma iinsecure eh. lalo na kahit walang gawin yung mayayaman may perang darating sa kanila, eh sa tulad ko na mahirap kung di ka kikilos nganga. Wala ka ng makain wala ka pang pera. Kailan kaya darating yung time na pantay pantay nalang?. Hahaha alam ko na kung kailan! Sa "in my dreams lol". Gagu ko talaga. "Ayos lang kami, kamusta naman ba yung mga tao sa bahay?" Naka ngiting tanong nito. Mabait din si sir gavin, kung ituring nga ako nito kalamo kapamilya nila ako eh. Si maam cecilia naman kala mo anak nya ako, kung ano ano binibili sakin. Na tinatanggihan ko naman, natutuwa daw kasi sya sakin, at sabik daw syang mag kaanak ng babae kaso cs sya. tatlong beses lang syang pwede magka anak at puro lalaki pa wahahha. Sadlife. Nag umpisa lang naman na tinuring akong parang kapamilya ng mga ito ng inalagaan ko si maam cecilia ng mag kasakit ito. Wala nun si sir gavin kailangan ito sa mga businesses nila sa manila at senator din ito kaya madalas itong nasa manila. Kaya ako ang nag alaga kay maam cecilia, mula nun itinuring na akong kapamilya ng mga ito. Gusto nga ng mga ito tito at tita nalang ang itawag ko sa kanila pero di ko ginawa kasi sobra sobra na mga mga kabaitan ng mga ito. At para alam ko ang limit ko. Aabusado na pag ganun. At alam ko kung san ako lulugar. "Ay opo yung bahay nyo po ayos naman po, si manang busy na busy po sa bibigay ng instruction sa mga kasama sa bahay kung ano po gagawin at ano po lulutuin" naka ngiting sabi ko. Tumawa naman si sir gavin at umiling iling. "Dapat sinabi mo kay manang kahit ano nalang, panigurado yung mga bata, pag ka bihis aalis din, masasayang effort ni manang" sagot ni sir gavin. Bigla akong nakaramdam ng awa kay manang, kung makikita lang effort nya mga ilang araw bago ang araw na ito naku po. Matutuwa ka. Talagang aligaga na aligaga si manang, halos yung ibang mga katulong di na alam kung anong susundin sa utos ni manang. At exactly 4:00 am gising na si manang. Kaya pati mga ibang katulong gising na ng 4 am. Natatawa nalang nga sila ni grace sa aligaga ng mama nito. Sabagay di din naman nya masisi mga anak ni sir gavin, madalang lang umuuwi ng pilipinas ang mga ito. "Ay, ganun po ba, naiintindihan naman po siguro ni manang yun" nakangiting sagot ko. "Of course, kilalang kilala na ni manang yung mga boys ko, im sure mawawala pagod ni manang pag nakita na nya yung mga alaga nya" natatawang sabi ni sir gavin. Nakitawa nalang din ako, kasi wala na akong alam na isagot eh. Gawain ko yan, pag wala na akong alam na isasagot itatawa ko nalang. Maya maya lumabas na si maam cecilia habang nakasunod dito ang anak nito, mukhang ding galit si maam. Bakit naman kaya?. "What happened hon?" Tanong ni sir gavin sa asawa. Napatingin ako sa anak nito, yung bunso ata ito, naka simangot ito at mukhang wala sa mood. At naka cross arms habang nakatingin sa ibang diretion. Alam ko yung itsura na yun. Bored. Ganyan ako pag bored na bored na eh, yung gusto mo ng umuwi kaso di ka makauwi. Ayoko pamo sa lahat yung naghihintay ng matagal lol. Pinag masdan nya ang bunsong anak ni maam cecilia, maputi na maputi at mapula pula din ang balat nito, clean cut din ang ayos ng buhok nito. At feeling ko mataas ito sakin. Na mataas ata talaga 5'4 lang height ko, ito mga nasa 5'6 na. Tataas pa itong batang ito, ahahah. Napatingin ako kay maam cecilia, di pa ako na papansin nito, busy itong kausap ang asawa. "Yung anak mo!, talk to him! Masyado matigas ulo nang anak mo! Hindi sya nakikinig sakin!" Galit na sabi ni maam cecilia. At tumawa tawa lang si sir gavin, naku po. Way to outburst some anger. "What's funny? You're son making a scene out there and you've found it funny?. Eli flipping off a finger on a paparazzi! Kilala mo naman ang mga paparazzi, mali mali binibigay nilang news. Lalo na pag di ka nagustuhan, my goodness!" Galit na sabi ni maam cecilia. "Relax honey, eli can handle it, he is a grown up man now, so relax, he knows what he's doing. And im sure, he wont go flipping a finger to anyone without pissing him off first. You should know better than that cecilia. So let him handle it." sabi ni sir Gavin. Dumudugo ilong ko grabe. Nag roll nalang ng eyes si maam cecilia at huminga ng malalim. Na iistress ito sa anak. "Yeah mum, dad’s right, kuya can handle it, there is nothing new about it. And mum thanks to vincent, for holding kuya back. If ever vincent was not a fast thinker, i’ll bet that paparazzi would be out for a couple of days". Sagot ng anak nito. (Ano daw sabi nya?) Di ko masyadong naintindihan yung english nito, dikit dikit na walang R, yung R nya nagiging AH, yung finger nga "fingah" British accent ang putsa!, letse yan! ayaw ko pamo sa lahat ng english eh yung di maintindihan, na akala mo bumubulong lang sila. Pakers! Ayusin nyo salita nyo! Hindi ko maintindihan!. Nakita nyang lumabas si jane sa pinto, pumasok pala ito ulit sa loob. May bitbit bit ito kaya lumapit sya dito para tulungan ito. "Oh isla, andito ka pala hindi kita napansin agad" sabi ni maam cecilia. Napatingin ako sa kanya, napalitan ng saya ang galit na nasa mukha nito kanina, kaya ngumiti ako ng maluwang dito. "Ay opo, kamusta po?" Nangiting tanong ko dito. "Im fine, a little bit stressed, but definitely fine, come here give me a hug" masayang sabi nito. Lumapit ako dito at niyakap ito, shet ang bango. Naki pag beso beso pa ito sa pisnge ko, heheh nako po. "I bought you dresses!" Masayang sabi ni maam cecilia, na iki na nganga ko, naku po naku po mama ko! Alisin nyo sakin ang atensyon!. "Salamat po, pero sana po hindi na po kayo nag abala pa. Sobra sobra na po yung ginagawa nyo po para sakin" sincere na sabi ko. totoo naman eh, hindi sobra sobra kundi labis labis na. At na ooverwhelmed sya sa ginagawa ng mag asawa para sakin. "Its ok, basta makita ko lang na suot mo yun, for sure matutuwa ako, at malamang bagay na bagay mo yun, pag uwi natin try mo yung mga dress, for sure bagay na bagay sayo!" Excited na sabi nito. Na mas excited pa sakin. Ngumiti ngiti nalang sya. "Who is she mum?". Tanong ng anak nito. Biglang nawala ang ngiti nya at napalitan iyon ng nervous. (jusme!. Uuwi na talaga ako ng bataan!.???)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD