Matapos ng aking trabaho, agad ko inayos ang aking gamit. At mabilis akong pumasok sa loob ng office ni Mr. Wild para makapagpaalam ako sa kanya. Nang makapasok ako ay nakita ko abala parin ito sa kanyang trabaho kaya tumikhim ako para kuhanin ang attention nito. Agad ito lumingon sa akin at seryosong tiningnan ako. “Sir, pasensya na kung nakaabala ako. Mag papaalam lang po sana ako sa inyo na uuwi na.“ “Ganoon ba? Sige, pakihintay ako. Ihahatid na kita pag uwi mo.“ Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito sa akin. “Naku sir, wag na po, nakakahiya po, kaya ko naman po sumakay sa jeep.“ “No, ihahatid na kita. Hindi biro ang nangyari sa iyo kanina, kaya mas makakabuti kung ihahatid kita.“ “Naku sir, hindi na po,” pag tanggi ko pa sa kanya. “Pwes babawasan ko ang sahod mo.“ “Po

