Matapos ko mapakain si Dahlia ay hinayaan ko na ito makatulog sa aking tabi . Niyakap ko ito ng mahigpit at saka ko dinampian ng halik ang noo nito. Nang alam ko maayos na ang lagay nito ay ipinikit ko na rin ang aking mga mata hanggang sa magawa ko nang makatulog. Kinabukasan naman ng magising ako ay agad kong inayos ang sarili ko para ipaghanda siya ng umagahan. Ipinagluto ko ito ng mga paborito niyang pagkain, at nang matapos ay muli akong umakyat sa taas para tingnan ito. Nang makarating ako doon ay wala na ito sa kama niya kaya inilibot ko ang aking paningin hanggang sa natagpuan ko ito sa walking closet niya na naghahanda ng damit na isusuot niya. Agad napadako ang tingin nito sa akin at ngumiti. “Grayson, good morning,“ bati nito sa akin. “Good morning, din gising kana pala.

