Matapos ng operation ng aking anak, pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa aking puso. Plano narin namin iuwi sa bahay ni sir wild ang anak ko lalo na at nasa maayos na ito kalagayan. Kumuha rin ito ng isang nurse na siyang mag-aasikaso sa aking anak habang narito pa kami sa U.S. Malayo ang bahay niya sa hospital na tinigilan namin, at kailangan pa namin magbiyahe ng halos limang oras bago makarating sa bahay nila. Sakto lang ang laki ng bahay nila dito sa U.S. at mayroon na apat na silid. May sariling silid ang aking anak, at katabi nito ang aking silid. Bahay bakasyunan lang ito ng pamilya nila kaya hindi na sila nag-aksaya ng oras para palakihin pa ito. May isang katulong rin na siyang naglilinis at nagluluto para sa kanya. Pagkatapos namin ihatid ang anak ko sa silid niya kasa

