Kasalukuyang nagda-drive na ako kasama si Dahlia at ang aking anak na si Conan patungo sa isang restaurant na hinanda ko para sa dinner namin para formal na hingin ang kamay ni Dahlia sa mga lolo at lola niya. Kasunod naman namin ang isang sasakyan na kung saan sakay ang mga lolo at lola niya. Sa totoo lang, natatakot ako sa kung anong magiging reaksyon nila. Lalo na at nais ko na pakasalan agad si Dahlia. Sa totoo lang, sobrang excited na ako pakasalan siya. Pakiramdam ko kasi ay nahanap ko na ang babae na siyang magpapatino sakin. Sa totoo lang natatakot ako na mawala pa sila sa buhay ko kaya minabuti ko na lang na pakasalan siya para makasiguro ako na sa akin lang siya. Gusto ko na ng tahimik na buhay. Iyung buhay na malayo sa sakit at gulo. Yes…iyun ang naging buhay ko matapos mam

