Agad kaming napatingin sa gawi nina Daddy at laking gulat ko nang isang malakas na sampal ang natamo ni Sydney mula kay Daddy. ''Ano sa palagay mo ang ginagawa mo, huh? Bakit mo nagawang saktan ang anak namin matapos kita mapalaki? At ano ang ginagawa mo dito? Hindi ba't pinadala kita sa ibang bansa upang panandaliang malayo sa gulo? ' 'Sorry, Dad, hindi ko po gusto umalis ng bansa para lang iwasan siya; hindi pa kami tapos magtuos.“ 'Wala kaba talaga utang na loob sa mga tao na nagpalaki sayo? Anak namin ang gusto mong saktan? Talaga bang nababaliw kana? “Galit na wika ng aking ama kay Sydney. Agad naman akong hinila ni Grayson papunta sa kanila. At mabilis naman kami nilapitan ng mga katulong upang iabot sa amin ang towel na dala nila para sa amin. Agad namin inabot iyon para ilagay

