Nanginginig ang aking mga tuhod habang naglalakad kami papunta sa isang chapel. Pakiramdam ko tuloy ay kakapusin ako ng hininga ng sandaling iyon. Kaya agad akong inakay ni Grayson papasok sa loob. Hanggang sa makarating kami kung saan nakaburol ang aking lola. Nang makarating kami doon ay lumantad agad sa aking harapan ang napakalaking larawan ng aking lola. Pakiramdam ko ay nanghina ang katawan ko ng sandaling na iyon pero naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ni Grayson sa akin hanggang sa makapaglakad kami sa isang red carpet. Agad nag patakan ang aking mga luha habang palapit kami sa kulay brown na kabaong na napapalibutan ng maraming bulaklak. Nang makalapit kami ay hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha habang nakatingin ako sa mukha ng aking lola na halos wala

