“Mam, handa na po ang lahat. Anong oras ay pwede na kayo makaalis dito? Nakahanda na ang tao ko sa labas. Hintayin na lang natin ang signal ng mga tao.“ Wika ng isang tauhan ni mayora na ikinatango ko habang naglalampaso ako ng sahig . May ilang oras akong naglinis sa buong selda nang lumapit sa akin ang isang naka-unipormeng pulis. “Ikaw si Sydney, tama ba ako? “ “Opoh, bakit? “ “Tauhan ako ni mayora, sumunod ka sakin,“ seryosong wika nito sa akin. Agad akong sumunod sa kanya at nagtungo kami sa isang CR. “Wag kang maingay. Magpanggap ka na naglilinis sa loob niyan. May makikita kang tiles sa ilalim ng lababo; katukin mo iyon isa-isa at may mapapansin ka na kakaiba ang tunog. Buksan mo iyon at may makikita ka doon na isang lagusan. Buksan mo iyon at doon ka dumaan. Diretsuhin mo

