Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya na nakayakap sa aking katawan. At saka ako lumayo sa kanya. Ramdam ko pa ang pag-hugot ng alaga niya sa aking lagusan, pero ito ay tulog na tulog parin. Agad akong umalis sa tabi niya at nag-tungo sa banyo para maligo. Ramdam ko ang pagdaloy ng malamig na tubig sa aking katawan ng buksan ko ang shower. At doon narin nag simula ang pag agos ng aking luha. Hindi ito ang gusto ko. Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Grayson matapos ng lahat ng ito. Oo, gusto ko siya at may nararamdaman ako sa kanya. Pero hindi sa ganitong paraan ko gusto iparamdam sa kanya iyon. Oo, ginawa ko ito para sa anak ko. Pero bukod doon ay may iba pang dahilan dahil gusto ko iparamdam ang tunay nararamdaman ko. Sa totoo lang, masaya ako na ibinigay ko ang sarili ko sa

