Mabilis ako tumakbo palayo sa kanya at saka ako pumara ng taxi at mabilis na sumakay doon . Nakakita ko pa ng habulin ako nito at kalampagin nito ang pinto ng taxi. “Dahlia! Dahlia! Tawag nito sa pangalan ko pero Panay parin ang panginginig ng aking katawan dahil sa labis na takot. Hindi ko Alam kung paano niya nagawa ang lahat ng iyon. Kaya walang tigil ang Pag agos ng aking mga luha ng sandaling iyon. Nag pahatid ako sa bahay hanggang sa makita ko si lolo at lola na nasa loob ng bahay habang nanonood sila ng t.v nag tataka na nabaling ang tingin nito sa akin . Tinawag pa nila ako pero hindi ko na nagawa tingnan pa sila. Pag dating sa kwarto ay agad ako lumapit sa kama at doon walang tigil na umiyak. Narinig ko ang Pag bukas ng pinto kaya ang nag aalalang mukha ni lola ang siyang tu

