“Wag maawa ka , please, nakikiusap ako maawa ka sakin,” umiiyak na wika ko sa kanya habang hawak ko ang aking dibdib hanggang sa maramdaman ko ang paghawak ng isang kamay sa akin at ang pagyugyog nito sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata habang dala-dala ko sa aking dibdib ang matinding takot mula sa aking panaginip. “Anak, ano ang nangyayari sayo? "At dahil doon ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ng Ginang sa akin. “Wag maawa kayo, wag ninyo ako papatayin.“ Umiiyak na wika ko. Ramdam ko ang mainit na luha na dumaloy sa aking mukha. Na agad naman pinunasan ng Ginang . “Anak , huwag Kang matakot narito ako ang mommy mo, hindi kita sasaktan. Mahinahong wika nito sa akin. “S-i Sydney, nakita ko siya. Hinawakan niya ang sugat ko. Gusto niya patayin ako .“ “Ana

