Pagdating namin sa floor ay agad akong hinila ni Grayson patungo sa loob ng kanyang opisina, at walang sabi-sabing isinandal ako nito sa pinto ng opisina niya, at saka niya hinalikan ang labi ko ng puno ng pananabik. Ramdam ko ang pagkasabik at galit niya sa bawat. Paghalik nito sa akin dahilan para makaramdam ako ng sakit sa tuwing hinahalikan ako nito. Na nagbigay ng matinding bigat sa aking dibdib. Kaya upang makatakas ako doon ay walang sabing kinagat ko ang labi nito dahilan para napadaing ito sa sakit at saka ko siya sinampal sa kanyang mukha. Nagulat siya sa ginawa kong iyon; maging ako ay hindi ko inaasahan na magagawa ko iyon sa kanya. Pero ganoon pa man ay agad parin ako nag labas sa opisina nito at nag tungo sa aking table. Pag-upo ko doon ay napahawak ako sa aking dibdib

