Kinaumagahan ay agad ko hinanda ang umagahan ng aking anak dahil may pasok na ito sa paaralan. Matapos ng 2 buwan na pag-papahinga niya ay muli na itong papasok sa paaralan niya. Halos isang buwan rin siya na online school dahil sa sakit nito, at ngayon nga ay plano na niyang bumalik sa pag-aaral. Matapos ko ihanda ang binalot nito ay inayos ko na ang lamesa. Nag timpla narin ako ng kape para Kay Grayson. At inilagay ko iyon sa tabi ng kanyang plato. Maya-maya lang ay magkasabay na pumasok si Grayson at si Conan habang kasunod naman nito si lola at si lolo. Agad lumapit sa akin si Conan para halikan ako sa pisngi. Maayos na ang lagay nito kaya masaya ako na sa wakas ay bumalik na ito sa dating sigla niya. Nakasuot pa ang mag-ama ko ng pantulog nila. Pero ganoon paman ay napaka gwapo

