“Oh, bakit ang haba naman ng nguso mo? “ Tanong na wika ni Grayson sa akin. “Paanong hindi? Kita mo ba iyong babae kanina? Panay ang pag-papacute sayo. “Inis na wika ko kay Grayson. “Sus, nag selos kapa alam mo naman ikaw lang ang pinakamaganda sa buhay ko.“ Natatawang wika nito, kaya kinurot ko ang baywang nito. At saka ko hinila ito papunta sa parking area, masyado kasi ako napagod sa pag-iikot namin, isa pa nais ko rin makapagpahinga. Dahil bukas ay magsusukat pa ako ng gown na aking susuotin at may food tasting pa kami. Nang makasakay kami sa kotse, ay mabilis na minaneho iyon ni Grayson pauwi sa aming bahay. Pagbaba ko ng kotse, dumiretso agad ako sa aking silid habang si Grayson ay tahimik lang na nakasunod sa akin. Agad ko binagsak ang katawan ko sa malambot ko na kama habang

