Halos maiyak ako dahil sa labis na kahihiyan ng sandaling iyon. Agad ako na patingin sa mga tao habang kinukuhanan nila ako ng mga larawan . “Ano, lalaban ka? Ang isang katulad mo na isang ahas ay hindi dapat nagsusukat ng ganyang klase ng damit. “ “Isa kang gold digger dahil ang nais mo lang ay ang kumabit sa mayayamang tao upang maiahon ka sa kahirapan .“ Agad akong napailing-iling sa sinabi niya hanggang sa kasabay noon ang pagtulo ng aking mga luha . “Hindi totoo iyan, maniwala kayo, wala akong ginawa .“ “Sinungaling, inagaw mo siya sa akin kaya nararapat lang iyan sayo walang hiya ka. “ Muli ako nito pinagsasampal sinabunutan, wala akong nagawa, kundi tanggapin na lang ang bawat hampas at paghila ng buhok niya sa akin . “Pakiramdam ko ay namamaga ang buong mukha ko dahil sa

