The Reception ✪ Matteo (Best Man Speech) "Good Morning Everyone! for those who may not know me, I'm Matteo and I don't know now my surname after this wedding. Sa ngayon po kasi isa akong Ruiz dahil kay Nanay, pero si Lolo ay Chavez naman talaga. Tapos ngayon naman ikinasal na sila ni Tatay at si Tatay ay isang Mojica... Haayyy!!! ang gulo nila bahala na silang dalawa ayusin yan bata pa ako para ma stress..." ** Lakas ng tawanan ng mga bisita "Nung sinabi ni Tatay na ako ang mag Best Man sa kanya, ayoko kasi nga hindi pa ako MAN - I'm still a KID. Pero tinanong ko siya kung bakit ako, sabi niya ako daw kasi ang Best Buddy niya Best Friend ba. Sabi ko sa kanya lagot siya kay Nanay... sila talaga kasi ang mag Best Friend" sabay ngisi niya ** Lalo pang lumakas ang tawanan ng mga bisita…

