The Past ✪ Lucas Pinuntahan nga ako ni Elize the next day sa opisina. Umaga siya nag punta before lunch. Lalo pa yata siyang gumanda, bumagay sa kanya ang bob haircut. I'm so happy that she's well. We have so much to talk about. "Lizzy... OMG ikaw nga yan" bati ko sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit "Hi Lucas" mukhang nahihiya siya, I remember the Elize I knew way back our firsts years in College. Masyado siyang mahiyain, feeling outcast pero paglipas ng ilang buwan lumabas din ang isang very confident woman. Dahil na rin siguro sa mga pasaring sa kanya ng mga malditang mayayaman - rumesbak siya… sa kanyang talino at ganda. "Where have you been" tanong ko sa kanya ng makaupo kami. She told me everything about what happened after she left. - Ganun naman talaga kami dati pa open

