OCHO

2040 Words
Airport ❀ Elize Messenger Gabriel : Favor naman Sweetheart, baka pwede mo ko masundo sa airport. Elize : Ha? Kala ko ba next next week pa uwi mo? Gabriel : I decided to come home early for us. Elize : "US" ka dyan (smiley emoticon) Kelan ba? Gabriel : Friday po, Can't wait to see you... Elize : OK, see you then... wala ba talagang pwedeng magsundo sayo? Gabriel : Ikaw nga po gusto ko, Please... (puppy eyes emoticon) Elize : OK po, sabi ko nga ako... Bilis ng panahon lumipas, more than two years have passed. Ang dami ng naganap. I'm the youngest Senior Manager sa isang pinaka malaking Multi-National Company sa bansa. I'm staying in my own condo unit now. I drive my own car even but... And I'm alone now. Six months ago, my Nanay passed away. She was diagnosed with colon cancer at a very late stage already. I took an indefinite leave from my work then to take care of her. Ilang buwan lang din ang itinagal niya. Isip ko nga siguro may nararamdaman na siya dati pero hindi niya pinaalam sa akin, it was too late ng malaman ko. She was so stubborn, inayawan na niya ang iba pang treatments na pwedeng gawin sa kanya. Sabi niya gusto nalang niya gugulin ang mga natitirang araw niya enjoying nature rather than the hospital. Nag pauwi siya sa Batangas. Doon na din niya ako iniwan. It was so painful, kaka simula ko palang maibigay sa kanya ang mga pangarap namin dati, kung kelan may budget na kami to Travel. Saka siya nawala. Travel kasi ang pangarap namin noon. We are not into material things we are more into memories na pwede namin magawa together. My first year working, we were able to visit Hongkong. Nag Disneyland kami. First time niya to travel outside of the country. I've been outside the country na, sa mga school activities dati kapag may conference na pinapa attendan ang school namin. Ang saya ng Disneyland namin... It was truly the Happiest Place on Earth. Bumalik kami sa pagka bata, we even tried some rides and game na game si Nanay. I was worried na hindi siya mag enjoy kasi pambata nga but then, I've seen in her face that she's truly happy. I'm so happy to be able to have the trip with her. Memories I can't exchange with anything. Bago siya magkasakit nakapag Singapore pa kami. Singapore is an amazing place. No need for Paid Theme Parks - the Gardens, the Open to the Public Parks, the Food Parks are more than enough for us to enjoy the trip. Their public transportation is so easy to navigate, hindi ka mawawala basta marunong ka magbasa. Public Wifi is everywhere kaya madali mahanap ang kung ano ano... ang dami pang Pinoy lahat ata ng puntahan mo, mall, airport, theme parks may kababayan ka. Naka plano na next trip namin to Japan ng ma diagnose siya. I know she wanted to see the the Sakura Season, kaya sobrang lungkot ko ng hindi ko na yun napakita sa kanya. Bilin niya sa akin to go with the trip, pero hindi ko kaya to travel mag isa knowing na dapat magkasama kami. It broke me... wala akong ibang kapamilyang masandalan ng mga panahon na yun. Pati mga close friends ko nasa abroad that time. Uuwi dapat si Gabriel noon kaya lang pinigilan ko na alam ko kasing busy siya sa Thesis niya that time. - Sino ba naman ako para paglaanan niya ng panahon na ganun. Nagtampo pa siya sa pangtanggi ko... pero ayoko talaga, ayoko din kasing siya ang kasalo sa lungkot baka kung ano pa magawa ko dahil sa lungkot. Alam ko naman kung gaano siya ka sweet. Haaaayyyy... Kabilin bilinan niya sa akin na hanapin ang Tatay ko. May mga pictures at letters siyang iniwan. Pero ayoko pa din gawin. Baka kasi pag nahanap ko Tatay ko makalimutan ko si Nanay. May mga papeles din siyang iniwan, yun daw ang "pamana" niya sa akin. Stocks Certificates na almost 20 years na, milyones na ang halaga. Meron ding mga Savings Account sa pangalan ko. She kept it from me, para daw talaga sa time ng pag alis niya. Hindi naman daw niya akalain na agad agad siya kukunin ni Lord. Ipinag bilin niya ako kina Mang Emong at Aling Nelly. Sila ang katiwala dun sa ancestral house sa Batangas. Binenta ko ung bahay naming tinitirhan dati. Hindi ko kinaya ang tumira dun mag isa. Ang daming memories namin dun palagi akong umiiyak nung andun pa ako. I needed to be away from the memories, I might lose my sanity. It's too much to bear alone. Yung napagbilhan ang binayad ko sa Condo unit, one Bedroom ang unit ko. Ang kulang binabayaran ko ngayon pa unti unti. Sobrang nalulungkot pa din ako pag naalala ko si Nanay. Kaya sinubsob ko sa work ang sarili ko. Robot ako for 6 months now, trabaho, bahay, trabaho... hindi rin ako lumalabas masyado... Every weekend nauwi ako sa Batangas to visit Nanay's grave. Palagi pa rin ako naiyak pag nadalaw ako sa kanya. All my life kami ang magkasama kaya parang nawala ang kalahati ng buhay ko ng mawala siya. Mang Emong's family have been a big help pero mas pinili ko ang mapag isa... My friends in College... We all stayed in communication naman. Pinag usapan na namin dati ni Gabriel na limited lang dapat ang communication namin. Isang beses sa isang linggo ang messenger chat, isang beses lang din sa isang buwan ang international call. Para bigyan ng pag kaka taon mga sarili namin sa feelings namin for each other. Kung kami nga talaga ang forever, mag titiwala kami sa isa't isa. He's been so sweet even when he was away. Palaging may pa flowers, sweets at kung ano ano pa. Lagi nga ako na ka kantiyaw sa Office ako lang naman daw nag papadala nun kasi nga wala naman silang nakikitang nadalaw or sundo man lang sa akin. Madami dami na din ang nagtangkang manligaw sa akin. Pero wala akong nagustuhan, lahat na co compare ko kay Gabriel. Wala tuloy maka pasa. At may kalokohan kaming biruan dati... Flashback "Hey you Guys, witness kayong lahat pagbalik ko at pareho kaming single. Officially kami na" Yan ung bago kami mag hiwa hiwalay after nung Bataan Escapade namin. Tumunog message tone ng phone, brings me back to present times. Friday... May meeting with the big bosses. Sana maaga matapos, nag half day na kasi ako para sa pagsundo kay Gabriel. Happy, worried, excited... Hindi ko alam kung alin dito nararamdaman ko. Sana hindi na niya naalala ang kalokohan namin dati. Kung hindi mag kaka boyfriend ako ng wala sa oras. - Nagwawala na naman ang puso ko, halos hindi ako makatulog mula ng nag pasundo siya. Na miss ko siya yun ang totoo. I've fallen deeply already, sino ba naman hindi kahit ang layo niya pinaramdam niya ang presence niya. Messenger Gabriel : Lapit na ako sweetheart, three hours nalang I'm so excited to see you... na miss kita sobra... Elize : OK see you, mag message ka nalang ulit pagka lapag mo... - Excited ako, girlfriend lang ang peg... Haaayyy makikita ko na ulit ng harapan ang Anak ni Adonis. Na miss ko ang yakap niya. Ayyyy ang landi mo Ateng... - Kailangan ipagluto medyo gabi na kasi dating niya... Hindi ako mapakali late na natapos ang meeting. Bwisit... Patay wala na akong time mag bihis. Kailangan diretso ako sa airport from Office or else mag aantay ng matagal ang Anak ni Adonis na ito. Ang traffic pa naman papunta. Haayyy naman kasi, buti nalang may parking slot na malapit lang exit gates ng Terminal 3. Ang taas pa naman ng takong ng shoes ko, hindi tuloy ako makalakad ng mabilis. Naka Business Suite akong skirt pa naman. Pa "elegant" kasi nga may meeting. - Pa sexy tuloy datingan ko Pagka baba ko ng sasakyan nag message siyang naka labas na siya ng Immigration. Baggage nalang daw antay niya. Buti nalang sakto lang dating ko. **Hindi naman mapakali si Gabriel Asan na kaya ang babaeng yun, baka mag bago ang isip na sunduin ako. What the heck! Ang Anak ni Aphrodite. Is she for real, My Elize... Goddess sent down from heaven. Have not seen a Business Suite, worn this sexy and beautiful. Ang mga kalalakihan sa paligid are drooling over her. At kagaya dati wala lang pakialam tong Dyosang to. Makaka dukot ako ng mga mata dito pag hindi pa kami maka alis. Mas nauna niya akong nakita, palibhasa matangkad. Naka ningkit pa mata niya, titig na titig parang sinisipat kung ako nga nakikita niya. Tsaka diretso sa harap ko. He is wearing a bull cap, shades at face mask pa parang naka disguise... may tinataguan lang ang peg. Mas lalo yata lumapad ang dibdib niya medyo fit kasi polo shirt niya na nakatupi ang sleeves hanggang elbow niya. Lalo pang gwumapo ang mama. His presence commands authority. - Nag wala lalo ang puso ko, kabang siya lang nag bibigay sa akin. Matagal din hindi ko to naramdaman. Puso naman relax ka lang baka mahimatay tayo... "Elize sweetheart, let's go somebody might recognize me here." bulong niya habang humahalik sa noo ko. Habang naglalakad papunta ng parking... "Why so sexy sweetheart? bulong niya, his husky voice is waking up something inside me. "Letse kasi! Late na natapos meeting ko kanina no time to change or else I'll be late to pick you up" anas kung sagot sa kanya - Sexy pala ha... hhhhmmm "Ganda mo, so pretty my Elize" bulong niya sabay akbay at kabig sa akin - Ang bango niya, his manly scent is making my heart go wild and crazy. "Where to Sir?" taas kilay kong tanong, with mischievous grin... pagka sakay namin ng kotse ko. He input the address in my WAZE App. Nagulat ako it's the same condo building where I live. "There I'm staying sa condo mo" ngisi niya sa akin "No you can't I'm a dalagang filipina" biro ko ulit "Please my Elize... I'm tired, can I stay with you just for tonight? lambing niya Tiningnan ko siya he looked tired talaga. Kawawa naman. Haba kasi ng flight niya. ~~~~~ ✰ Gabriel I can't help but stare at the Goddess beside me, she’s more beautiful now… “sophisticated” is the right term I think. Oh!!! how I missed her. Thank God I'm back, can't wait to be alone with her. Wala na kami sa college para magpigil, akin na siya ngayon… konting kembot nalang pakakasalan ko na siya. Pero ngayon enjoy muna namin ang aming relationship, I want to do many things with her… travel, go on a date, beach outings… things that she loves to do. I want to spend more time with her now that I am back. - S**t, little Gabriel is stirring... ngiti palang ng Dyosa nagwawala na. Nagigising lahat ng kalandian sa katawan ko, F**k !?&#. - Behave Gabriel baka nagulat siya, sa kalye ka matulog ngayong gabi. Buti nalang talaga na imbento na ang internet… kahit malayo kami sa isa’t isa regular pa rin kaming nagkakausap. Ang laki ng tampo ko sa kanya noong ayaw niya akong pauwiin ng mawala si Nanay, hindi ko kasi ma imagine na mag-isa niyang pinasan yung lungkot pati na mga kailangan gawin. Pero pina intindi naman niya sa akin… na mas importante ang pag-aaral ko. Inamin niya rin na, natakot siyang ako ang mapagbalingan niya sa sobrang lungkot… baka daw ano pa magawa niya na hindi dapat, kaya mas lalo ko siyang naintindihan. "Hey what are you looking at" lingon niya sa akin pag hinto namin sa isang stop light. "Ganda mo kasi, tapos bakit kasi ang sexy?" bulong ko, nag baba rin ako ng tingin... malapit ko na siyang dukwangin para halikan... kanina pa ako nag pipigil... kaka gigil... "Well Thank you" sabay ngiti niya sa akin... haayyyy naku talaga naman... "No time to change kanina, ayokong ma late sa pagsundo sayo Mr. Mojica" "Thank you Sweetheart for picking me up" pinatong ko kamay ko sa mga kamay niyang nasa manibela. Ngumiti nalang siya, nahiya na naman. Sarap halikan... mamaya ka sa akin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD