Family Weekend ❀ Elize Maaga ang practice ni Matteo sa school. Ang aga din ni Gabriel sa bahay may dala pang breakfast. He's dressed casually in jeans and plain gray polo shirt. - Grabe muscle man, alaga sa gym ang katawan… Hayyy Adonis to my eyes ki aga-aga... Tuwang tuwa si Matteo sa kotse ng Tatay niya. Siya ang mag-drive para amin ngayon papunta sa school. Pinakilala pa siya ni Matteo sa guard sa school. "Kuya Guard, this is my Tatay Gabriel. Please memorize his face. He may pick me up one of these days. And Log in his plate No. too that's his car." sabay turo sa kotse ng Tatay niya, para siyang matandang kinakausap ang guard... Nailing nalang ang guard... "Sige po Sir Matteo" biro sa kanya ng Kuya Guard. "Thank you po Kuya Guard" sabay hila sa Tatay niya papasok sa school..

