ALAS dyes ng umaga ng makarinig ako ng katok sa pintuan nagtinginan kami nina nanay at tatay. Walang trabaho ngayon si nanay at tatay kaya naman nandito sila sa bahay.
"Ako na po" binuksan ko ang pintuan at ganon na lang ang gulat ko ng makitang si Gette pala yon
"Oh Gette ikaw pala, tuloy ka" Nakangiti ito ng malawak saakin.
"Snow I miss you tagal na tayong hindi nakapag usap" tumawa ako ng mahina.
"Tatlong araw lang naman tayong hindi nakapag usap eh" nagpout ito ganda talaga ng babaeng ito.
"Basta para saakin matagal na yon" pinagmasdan ko ang suot niya, naka suot ito ng black fitted t-shirt at gray denim short.
"Anak sino yan? Oh ikaw pala iha pasok ka" tawag ni nanay saakin at nong makita si Gette ngumiti ito ng malawak, gustong gusto kasi ni nanay si Gette napakabait din naman kasi nito saamin.
"Oh may mga kasama ka pala iha pasok kayo" may kasama pala si Gette?
Lumingon ako sa likod ni Gette at nakita ko ang mga pinsan niya at mga kaibagan ng pinsan. May dala silang mga supot na naglalaman ng kung ano ano at ibinigay kay nay, lahat sila nakangiti.
"Hindi na po dito na lang kami sa labas" sabi ni Gette parang nahihiya pa.
"Sige pag pasensiyahan niyo na kasi maliit lang bahay namin, siya maghahanda ako ng tanghalian niyo. Snow ikaw ng bahala sa mga kaibigan mo."
"Nay tutulong na po ako."
"Hindi na kunin mo na lang yong gagamitin niyong banig para sa ilalagay niyo sa ilalim ng puno ng doon kayo makakain"
"Sige po-"
"Huwag na po tita nakakahiya naman po sainyo. Nagpunta lang naman kami dito para kausapin si Snow."
"Naku iha dito na kayo magtanghalian habang kinakausap niyo si Snow" wala ng nagawa si Gette kung hindi pumayag.
"Siya kunin ko na ang gagamitin niyong panlatag sa lupa"
"Ako na pong kukuha" "I'll get it" Halos sabay sabay na sabi ng mga lalaki sa likod, napalingon ako sa kanila na nagtititigan.
"Sige kayo ng bahala mga iho, maiiwan ko na kayo."
Sa ilalim ng puno kami naglatag ng banig katabi ko si Gette habang ang mga pinsan at kaibigan nila ay nasa harap namin at kanina paako naiilang sa kanila dahil kanina pa nila ako tinititigan nang dumating si nanay inihanda na naming ang mga pagkain pagkatapos ay umalis na ito.
Inihaw na isda, bigas at tuyo with mga gulay na nakalagay sa dahon ng saging ang inihanda ni nanay pati na rin mga prutas. Nang makita kong walang imik ang mga ito ay nagsalita naako.
"Pagpasensiyahan niyo na at yang lang ang maipapakain namin sainyo-" hindi paako natatapos ng magsalita si Gette.
"No it's ok mukhang masarap nga itong inihaw na isda eh pero paano ba ito kainin?" Tumikhim ang mga pinsan nito. Ah siguro hindi sila sanay magkamay wala din kasing nilagay na kutsara si Nay.
"Oh ngayon lang kayo makakain ng ganito? Sandali kuha na lang ako ng kutsara kung hindi kayo marunong magkamay." tatayo na sana ako ng piligalan nila ako.
"No need, we can manage" sabi ni Miguel tapos kinamay ang pagkain.
"Yeah guys kain na" sabi naman ni Hiro na hindi alam kung saan kukuha ng pagkain, natawa ako ng mahina kaya napatingin sila saakin.
"Madali lang namay yan ehh ganito" yon nga itinuro ko sa kanila kung paano magkamay ng makita naman nila iyon ay ginaya din nila.
"Hmm sarap naman nito"
"Yeah" kung ano ano pa sinabi nila na tinugunan ko lang ng isang ngiti, habang kumakain kami pansin ko pa rin ang mga titig nila saakin yong tipong lahat ng galaw ko pinagmamasdan nila kahit na nakakailang ipinagsawalang bahala ko na lang yon.
"Dude why are you here?" napalingon kami sa tinutukoy ni Samuel at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko at pamumula ng mukha ko na makita ko kung sino ang tinatanong niya.
"Caleb" mahinang bulong ko, hindi ko alam anong gagawin ko at paano siya papakitunguhan dahil sa nangyari saamin noong nakaraang araw.
NAGKATINGINAN ang mga pinsan ni Gette hindi ko alam kung anong ibig sabihin non pero mukhang wala atang kikilos sa kanila kaya ako na ang unang bumasag sa katahimikan.
"S-samahan mo na kaming kumain dito kung gusto mo" sabi ko kahit na nahihiya ako sa kaniya since wala ng space sa mga lalaki wala itong choice kundi tumabi saakin or kay Gette.
Walang mababakas na ekspresyon sa mukha niya pero feel ko galit ito, bakit kaya? Gaya ng kasuotan ng mga pinsan at kaibigan ni Gette, naka suot din ito ng jeans at t-shirt na bakat sa hubog niyang katawan bigla kong naalala ang nangyari saamin kaya mas lalong namula ang mukha ko.
Ganon na lang ang kaba ko ng sa tabi ko ito tumabi wala itong imik at nagsimula ng kumain.
"Snow bakit ang pula ng mukha mo? Ay oo nga pala mainit ang araw." Mahinang bulong saakin ni Gette pagkatapos ngumisi siya at binigyan ako ng makahulugang tingin.
"Ah oo m-mainit kasi" mahinang bulong ko din.
"So yon nga Snow we're here to personally invite you to come with us, pupunta kasi kami sa resorts nina Angelo. Sama ka? Swimming tayo" excited na sabi ni Gette. Habang kumakain kami kung ano ano na sinasabi nito at ako naman hanggang tango lang dahil hindi ko na mahanap ang aking boses dahil sa kaba since katabi ko lang naman si Caleb. Feel ko kanina paako nanginginig pero hindi ko lang pinahalata.
"Tanungin ko muna si nanay at tatay" nag aalangan kong sabi.
"Akong bahala I’ll talk to them, ikaw Caleb sumama ka na din" Ewan ko pero feel ko na excite ako sa isipang sasama ito kaya naman inibangan ko kung anong isasagot niya sa tanong ni Gette. Magkakakakilala sila?
"Let's see" malamig na sabi nito muntik ka naakong mapatalon sa gulat jusko buti na lang napigilan ko. Sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat para akong na kukuryente.
Nang matapos kaming kumain at nakapagpahinga inilibot ko sila sa palayan at sakahan kasunod naman non ay sa Agustin Falls, ganda ganda naman sila dito.
"Wow Snow if only I have extra clothes here baka naglangoy naako dito, this is wonderful" manghang manghang sabi ni Gette.
"Maybe we can go here again, right guys?"
"Yeah" "Hmm" sabi nong mga lalaki
"Tomorrow?" tanong ni Gette
"Sure" sabi ni Miguel
"Yes! Yes" sayang sayang sabi ni Gette napangiti na lang ako.
Maghahating gabi na nong umalis sina Gette sa bahay dahil panay ang kuwento saakin ni Gette at pinaulanan naman ako ng mga tanong ng mga pinsan nito at kaibigan. Inihatid ko pa sila sa daan bago kami naghiwahiwalay akala ko sumama na si Caleb sa kanila pero ganon na lang ang gulat ko ng bigla niya akong hawakan sa braso habang naglalakad ako pauwi.
"C-caleb?" kinakabahan kong sabi "Caleb ano bang ginagawa mo?" napakahigpit kasi ng pagkakahawak niya saakin. Tumigil siya at humarap saakin, tiningala ko naman siya kaya kitang kita ko ang paggalaw ng panga niya, tanda na galit ito at nagpipigil sa kung ano man ang gusto niyang gawin.
"You're mine" matigas nitong sabi madilim pa rin ang aniyo.
"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan ako sa sinabi niya.
"The moment you let me enter your life and got your virginity, you're already mine that's why don't you dare na magpaligaw sa kahit sinong lalaki dahil akin ka lang" napakurap kurap ang mga mata ko at napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niya.
Pagka tapos bigla niyang nilapat ang kaning labi saaking labi hindi ako naako naka react at pinikit ko na lang aking mga mata at nagpaubaya sa kaniyang ginagawa, ipanasok pa niya ang kaniyang dila saaking bibig.
"You. Are. Mine." Bulong niya habang hinahalikan ako. Para akong mawawalan ng lakas sa katawan buti na lang hinawakan niya ako pagkatapos halikan.
"Let's go ihatid na kita" pinagsalikop niya ang mga daliri namin at nagsimula ng maglakad, napangiti ako. Nong nasa tapat na kami ng aming bahay humarap ako sa kaniya at nagpasalamat tumango lang ito pagkatapos dinampian ng halik ang aking noo, sa magkabilang pisngi, sa ilong pagkatapos sa aking labi na tumagal doon ng ilang sigundo.
"Take care always and remember what I told you" sabi niya tumango lang ako dahil hindi ko alam anong sasabihin ko sa kaniya namumula na ang pisngi ko sa sobrang hiya, nang nawala na siya saaking paningin ay napahawak ako saaking dibdib, ang bilis ng t***k ng puso ko. Mahal ko na ba siya?