CHAPTER SIX

1499 Words
"HI miss pwede ba kitang makausap sandali?" tanong saaking ng lalaki na hindi ko naman kilala I think sa posture nito masasabi kong isa siyang manager ng mga artista or model at mukha itong binabae. Tiningnan ko si Gette mula sa pwesto namin kanina. Kalalabas ko lang sa cr nang sinalubong ako ng lalaking ito. "Sure!" nandito kami ngayon sa mall, yes sa mall kami ni Gette ngayon niyaya niya ako mag window shopping at kumain dito sa Jollibee kala ko katulad din siya ng mga rick kid na hindi kumakain sa mga ganitong lugar pero mali ako. Nasa Lazarus City kami ngayon na isang oras lang naman ang layo sa bayan ng Athena at kung anong magic ata ang ginawa ni Gette para mapapayag naman ang mga magulang ko. Actually medyo familiar naman ako sa lugar na ito since nakapunta naman ako dito kasama sina nanay at tatay at minsan din nagpupunta ako dito mag isa para bumili ng mga kakailanganin namin sa bahay na akala siguro ng mga magulang ko sa palengke ng Athena ko lang binibili, mga mura lang kasi ang bilhin dito. "Kanina pa kita napapansin mula kanina ng pumasok ako dito, are you a model iha? napakaganda mo kasi." "Po?" nagtataka naman ako dito. Napakapayak lang naman ang suot ko Blue fitted jean and white polo with my black flat sandals then naka ponytail ako wearing eyeglasses na walang grado at yong face mask ko mukha nga akong nerd sa ayos ko eh. "Hindi po ako model, sir." Binigyan niya ako ng calling card. "Iha napakaganda mo at sayang yan kung hindi mo mapagkakakitaan, gusto ko sana kitang isali sa team ko pero base sa mukha mo wala ka atang planong sumali but if you change your mind just call me, ok?" tumango na lang ako at nagpaalam na. Sa katunayan hindi lang isang beses ako nabigyan ng calling card ng kung sino sinong manager ang nakakakita saakin wala naman akong planong mag model or mag artista since I value more my privacy at saka wala akong ka talent talent pagdating sa mga ganong bagay. "Girl what’s that? Bat ang tagal mo at saka sino ba yong kausap mo?" bungad saakin ni Gette pagkaupo ko pa lang. "Naku wala naman nagtatanong lang ng direksyon" tumango lang si Gette, for the whole time na nasa mall at Jollibee kami marami mga tao na ang mga tumitingin saamin at hindi naako nagtaka dahil napakaganda naman kasi ni Gette mukhang artista at modelo. Kanina habang kumakain kami lahat ata ng tao sa Jollibee napapagawi ang tingin saamin kaya na co-conscious tuloy ako dahil tinanggal ko yong mask ko. Nagtataka siguro si Gette kasi kakaiba ang mga kilos ko para kasing hindi ako probinsyana girl kung umasta, syempre wala naman dito ang mga magulang ko kaya hindi ko na kailangang magpanggap na wala akong kaalam alam sa mga bagay. Mula kasi ng mamuhay ako sa piling ng mga magulang ko sinanay ko ang sarili ko sa mga bagay na dapat hindi alam ng mga katulad kong hindi nakapag aral, nagmaang-maangan ako sa mga bagay na kahit alam ko. Kumbaga ginawa kong ignorante ang sarili ko, kumilos ng tama at na aayon sa tamang asal bilang isang mahinhin na dalagang probinsyana. Umalis na kami sa Jollibee at pumunta ulit sa mga boutique, bumili ng mga damit si Gette while ako naman tumingin tingin lang. Binilhan din ako nito ayaw ko sanang kunin dahil nakakahiya pero nagmatigas ito kaya naman wala naakong nagawa. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang kabutihan binibigay saakin ni Gette sana sa susunod ako naman ang magbigay sa kaniya ng kung ano mang bagay na magpapasaya sa kaniya. Nasa parking lot na kami ng mall nang makasalabong ni Gette ang mga kaibigan niya ata base sa mga galaw at ayos nila masasabi kong mamayaman din sila at mga gwapo. "Hey" nakipagbeso-beso sila kay Gette at nagkamustahan while ako naman sa gilid lang nila hindi sila inabala pa at doon na lang ako tumingin tingin sa mga kotse na dumadaan pa exit sa parking lot. Napatitig ako sa kotseng lulan ang taong familiar saakin nakakunot ang noo nito habang tinititigan ako ng mariin. Siya yong lalaki na nakita ko sa Agustin falls. "Snow?" tawag saakin ni Gette. "Huh?" nakatanga kong tanong dito I was so preoccupied kasi. "I was calling you many times, ano bang tinitingnan mo diyan?" "Wala naman." tumingin ito sa mga lalaking kausap niya "Guys, this is my friend Snow. Snow, this is my cousins and of course their friends!" Tiningnan ko naman isa-isa ang mga ito. "Andrew, nice meeting you Snow" sabi ng friendly sa kanila maganda ang pagkakangiti nito. "Alex, Gette's cousin" sabi naman ng mukhang basagulero "Nate at your service binibini" sabi ng mukhang playboy sa kanila at nagwink pa saakin. Kasunod naman nito ay si Samuel, Angelo, Hiro, Adrian at pang huli sa siyam na lalaki. "Miguel" sabi ng pinaka seryuso sa kanila. So si Miguel, Alex, Andrew at Hiro ang mga pinsan ni Gette while yong iba mga friends nila. Lahat sila ay gwapo at hindi nagkakalayo ang mga itsura, sa katunayan mukha silang mga model sa mga looks at outfit nila kaya nga halos lahat ng mga babae at dumadaang kotse dito sa parking lot ay napapatingin sa pwesto namin. Tinanguan ko lang sila since nahihiya din ako, yong iba kasi sa kanila iba kung makatitig like head to foot. IT was Sunday nong mamalengke ako, sa sobrang pagmamadali ang nasuot ko ay isang brown plain skirt below the knee ang haba at isang black shirt na medyo fitted saakin kaya naman litaw na litaw ang mga braso at leeg ko emphasizing my white skin and the usual naka ponytail ang buhok ko. "Ale magkano po to?" tanong ko sa tindera ng isda, nakikipag siksikan paako sa mga tao dito sa palengke ang dami kasing tao ngayon dito pero buti na lang hindi naman nila ako sinasagasaan. Pansin kong maraming tumitingin sa pwesto ko pero hindi ko na lang pinansin. "100 pesos lang iha" kumuha naako since nagmamadali ako. Bitbit ang mga pinamili ko pumunta naako labasan ng palengke, on my way napalingon ako sa lalaking nakatayo doon sa may poste malapit sa pinagbibilhan ng karne mukhang may inaabagan ito. Napaka simply lang ng suot nito pero daig pa ang modelo sa mukha nito. Nang mapadako ang tingin niya saakin nagsalubong ang mga kilay nito bigla naman akong nahiya ang dami ko kasing bitbit tapos mukha paakong haggard though hindi naman niya makita ang mukha ko kasi naka mask ako ng white. "Oh my gosh, sorry miss" Biglang nagsihulog ang mga bitbit kong pinamili ng may makabanggaan ako since na sa entrance at exit ako ng palengke malamang maraming tao ang pumapasok at lumalabs dito kaya marami akong nakakasalubong. Pinulot ko ang mga nagsihulog at tinulungan naman ako ng nakabangga ko. "Sorry talaga miss- Snow?" "Ay ikaw pala Gette" naka top shorts tube ito at top sleeveless tank solid black, bagay na bagay sa kaniya. "Oh gosh Snow you're here" Bigla ako nitong niyakap ng mahigpit kaya naman yong mask ko kung saan saan na punta kaya ayon hindi naako makakita tapos hindi na rin makahinga. "Ah G-gette hindi naako makahinga" nakarinig ako ng mahihinang tawa kaya nong tumingin ako sa harapan ko which is sa likod ni Gette ay kasama pala niya mga pinsan nito. Mukhang sila yong natatawa na ewan maliban na lang kay Miguel na seryuso pa rin ang mukha. "Aw sorry naman hehehe" pansin ko lang na kanina pa tahimik ang maingay na palengke yon pala nasa aming lahat ang attention nila.I mean sa mga lalaking nasa harap ko bagay na bagay kasi sa kanila ang mga suot nila para tuloy silang mga artista na naligaw dito sa palengke isama mo na rin si Gette. Inayos ko muna ang mask ko para makita ng maayos ang mga nasa paligid ko pero ganon na lang ang gulat ko ng maputol ang isa sa tale nito. Hays ang dami pa namang tao dito. Napabuntong hininga ako, inalis ko na lang ito saaking mukha wala pa naman akong dalang pang extra. Bibili na lang ako mamaya. "s**t!!" "Woah" "She's gorgeous" Sabi ng mga nasa paligid ko pero yong word na s**t lang ang naging malinaw sa pandinig ko.Tumingin ako kay Gette na sobra ang ngiti tapos sa mga lalaking naakawang ang mga labi sa harapan ko at sa mga tao sa palengke, nagtataka ko silang tiningnan. "Huh, anong nangyari?" mahinang sabi ko kay Gette nginitian lang ako nito tapos inakbayan kaya naman nahulog ang bond na pantale ko sa buhok at lumugay ang mahaba kong buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD