NAGISING akong medyo hindi maganda ang aking pakiramdam dahil na rin siguro kakaiyak ko kanina, bumangon ako ng nakaramdam ako ng gutom paniguradong gabi na. Baba pa lang ako sa kama ng bumukas ang pintuan at pumasok doon sina Gette.
“Snow”kaagad na lumapit saakin si Gette at umupo sa kama habang ang mga lalaki ay nakatayo lang at pinagmamasdan ako.
“How’s your feeling, are you okay?”
“May masakit ba sayo?”sunod sunod na tanong nila saakin na tinanguan at inilingan ko lang.
“We already know what happen, bakit hindi mo sinabi na takot ka pala sa tubig?”nag aalalang tanong saakin ni Miguel.
“Oo nga Snow. You should tell us para hindi na nangyari yon.”Kung ano ano pang sinabi nila. Pansin kong halos hindi na makatingin saakin si Gette mukha itong guilty pero wala naman siyang kasalanan sa nangyari kahit si Caleb din. Bumukas ulit ang pintuan at iniluwa noon si Caleb na may dalang mga pagkain. Kita ko ang pagtiim bangag ng mga lalaki habang tinititigan ng matalim si Caleb.
“Jerk” rinig kong bulong ni Miguel dahil malapit siya sa pwesto ko. Sinabi na sa kanila siguro ni Caleb ang nangyari kaya ngayon galit ang mga ito sa kaniya.
“I think we should leave para makakain na si Snow”sabi ni Gette dahilan para mag sialisan ang mga ito, kami na lang ni Caleb ang natira. Nong nag simula naakong kumain ay pinagmamasdan lang ako ni Caleb, nakakabinging katahimikan ang namayani saamin pero ilang saglit lang ng magsalita ito.
“I’m sorry for what I did”nag angat ako ng tingin sa kaniya dahilan para magsaubong ang aming mga mata”I’m sorry, I don’t have intention to scare you nor make you cry baby”bakas sa mukha niya ang matinding pagsisisi at lungkot dahil sa nangyari kaya namn ngumiti ako ng tipid sa kaniya.
“Naiintindihan ko Caleb, alam ko namang hindi mo yon sinasadya at alam ko ding hindi ka gagawa ng ikapapahamak ko kaya hindi mo na kailangang mag sorry saakin”bakas pa rin sa mukha nito ang konsensiya”ok lang ako Caleb huwag ka ng mag alala pa” hinawakan ko ang kamay niya at marahan pinisil ang mga ito. I need to assured him that I’m really okay.
Kinabukasan sa pangalawang araw namin sa Resourts naisapan nina Gette na libutin namin ang buong lugar at bayan ng Cornivus kaya yon nga ang ginawa namin. Namasyal kami doon habang sila kung ano ano ang pinambibili habang ako nagtingin tingin lang. Nagkahiwa-hiwalay kami nong nasa palingke na kami habang si Caleb kasama ko pa rin at hindi naako iniwan kahit saan ako magpunta.
Napahinto ako sa isang bangkita ng maagaw ng isang kwentas ang aking atensyon, napaka payak lang nito pero habang tinititigan mo ito ng matagal lalo itong gumaganda. Magkano kaya ito?
“You like it?”napalingon ako kay Caleb na tinititigan din ang kwentas kahit gusto ko ito wala naman akong pambili kaya marahan na lang ako umiling kay Caleb. Ilang sandali pa lang nagkita kita na kami ng mga kasama namin sa sentro ng palingke at na isipan ng umuwi dahil mamayang gabi daw pupunta kami sa bar malapit sa resourt nina Angelo.
Suot ang black longsleeve at black jeans ng lumabas kami ni Caleb sa kwarto ko, yes you heard it right sa kwarto ko natutulog si Caleb ewan ko na lang kung napansin nina Gette. Samantalang si Caleb ay nakasuot din siya ng black leather jacket with his white t shirt and black pant. Nang marating namin ang kwarto ni Gette kumatok muna ako at rinig kong sumigaw ito ng pasok. Pumasok naman ako na mag isa dahil nagpaiwan si Caleb sa labas.
“Hey sorry for what happen earlier and for what I’ve said to you” bungad saakin Gette pagkatabi ko pa lang sa kaniya, kita ko sa mukha niya ang labis na konseniya.
“Ah yong tungkol ba don, huwag munang alalahanin yon Gette wala ka namang kasalanan at saka naiintindihan kita dahil ang gusto mo lang naman ay ang kapanakanan ko kaya mo yon nasabi saakin.”Nginitian ko siya.
“Gosh Snow you’re too kind and innocent para ganituhin lang ni Caleb”hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero ngumiti lang ako ng tipid.
“HMM let me change your outfit”pinasadahan ako ng tingin ni Gette pagkatapos hinalukay niya ang kaniyang malita at binigay saakin ang isang white solid sleeveless v-neck loose beachwear tank top at isang black ripped fitted jeans.
“Huh ano ito?”gusto niyang magpalit ako ng damit?
“This is what you are going to wear tonight”
“Pero nakabihis naman na ako”umiling siya at panagpalit niya naako ng damit.
“Let’s go”mukha naman gusto niya ang suot ko ngayon dahil ngumiti ito ng makita akong lumabas sa banyo na suot ang ibinigay niya ngunit ako naiilang ako dahil pakiramdam ko makikitaan naako ng didib dahil sa neckline ng damit ko at sobrang nakalitaw ang aking leeg at balikat dahil naka puyod ang mahaba kong buhok. Nang lumabas kami ni Gette sa kwarto niya nandoon na ang lahat, nakangiti ang mga ito pwera na lang kay Caleb na naka kunot ang noo.
“So this is your first time na pumunta sa bar?”tanong saakin ni Alex na tinanguan ko lang, siya ang kasabay kong naglalakad ngayon papunta sa bar. Nasa unahan ngayon sina Miguel habang sa likod ko naman si Gette at Caleb.
“Don’t worry kami ng bahala sayo ngayong gabi. By the way you look stunning and gorgeous” kita ko ang pagpasada niya tingin saakin ng tingnan ako nito kaya naman uminit ang aking pasngi dahil sa kahihiyan.
“S-salamat Alex” rinig ko ang pagtikhim ng nasa likod namin.
Nang makarating kami sa loob ng naturang bar marami ng mga tao ang nandoon na nagkakasiyahan. Maingay sa loob pero nong dumating kami nawala ang ingay at halos lahat ng mga taong nandon napatingin saamin. Pakiramdam ko nanlamig ang aking katawan ng makita ang mga tinging ipinukol saakin ng mga lalaking nandoon buti na lang at hinigit ako ni Caleb palapit sa kaniya dahil hindi naako makagalaw sa kinatatayuan ko.
“Hey are you okay?” niyakap ko ang sarili bago ini agat ang mukha kay Caleb na ngayon ay nakatungo saakin para magsalubong ang aming mga mata.
“Hmm” tumango ako sa kaniya. Nabigla ako nang hubarin niya ang suot na jacket pagkatapos pinasuot saakin na ipinagpasalamat ko dahil kahit mainit sa loob ng bar nilalamig pa rin ako sa suot kong damit. Siya na rin ang nag zipper nito para matakpan ang halos makita kong dibdib.
“Let’s go” hinapit niya ako sa kaniya at hinawakan sa baywang pagkatapos sabay kaming naglakad patungo sa table nina Gette na hindi ko namalayang na una na pala.
Ilang sandali pa lang ay nagsimula na silang uminom ng alak habang ako ay juice lang ang pinainom saakin. Habang nakaupo ako ay pinapagitnaan ako ni Gette at Caleb samantalang kaharap ko naman sina Miguel na panay ang tingin saakin. Panay ang inom nila at kwentuhan ng makalipas ang ilang oras.
“Gette punta muna ako sa cr” ng tumango siya ay tumayo na rin ako dahilan para lahat sila ay mapatingin saakin.
“Where are you going?”tanong saakin nila saakin.
“Sa cr lang” nahihiya kong sabi sa kanila.
“I’ll go with you” halos sabay na sabi ni Caleb at Miguel. Nagkatitigan pa ang dalawa kami naman ay nagpalipat lipat ang tingin sa kanila at pareparehong nawalan ng imik.
“Ako na lang sasama sa kaniya” si Gette na ang bumasag sa katahimikan na ipanagmasalamat ko dahil kanina paako naiiihi pero nagulat ako ng tumayo rin si Caleb at sinamahan kami papunta sa Cr.
Nang matapos akong umihi ganon rin si Gette ay bumalik na kami sa mga kasamahan namin pero hindi pa man kami nakaka ilang hakbang nang may makasalubong kaming binabae na sa tingin ko ay pamiliyar saakin.
“Iha ikaw nga” ilang sigundo ko itong tinitigan bago ko napagtanto na ito yong nakita ko sa mall noo yong nag re recruit ng mga model kaya ngumiti ako sa kaniya.
“Kumusta po?”ang naisagot ko lang sa kaniya dahil nailang ako sa pagpasada niya ng tingin saakin.
“I’m good”ngumiti rin ito saakin“Anyways, I’m glad to see you again pero mas lalo akong matutuwa if you consider my offer to you.”tipid akong ngumiti dito.
“Sige iha. I have to go-“naputol ang kaniyang sasabihin ng makita niya ang mga kasama ko sa likod“Caleb you’re here too”masayang sabi nito na ikinalito ko. Kilala niya si Caleb?
“Yeah”
“I thought you’re busy kaya hindi ka sumama sa project ng companiya? Anyways why not join in our table, kasama ko ang mga co-model mo.”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, model si Caleb?