“Naalala mo na ba?” Nanginig ang kalamnan niya sa mga alaalang nanumbalik sa kaniya. Tila siya nauupos na kandilang napaupo sa lupa dahil sa kirot na nadarama ng kaniyang puso. Dito mismo sa eksaktong pinagtayuan niya ng bahay ang lugar kung saan niya pinatay si Eros at ang inosenteng mortal, kasama na ang bata sa sinapupunan nito. Ano ba ang pinagkaibahan niya sa kaaway niya? Pareho silang demonyo at walang puso. Walang awa. “Kinailangan naming burahin ang iyong alaala, Victoria. Hindi naman kayang gawin sa ’yo ang nangyari kay Esmael noon kaya’t sinikap namin na alisin ang mga alaalang maaaring magpabalik sa ’yo sa gano’ng katauhan,” paliwanag ni Veronica, ang babaeng nakausap niya kagabi. Ang kapatid niya. Napatulala siya sa kawalan habang nagpaulit-ulit sa kaniyang utak ang eksena

