Hindi maintindihan ni Elexir kung bakit pakiramdam niya ay napakapamilyar ng larawan na iyon. Babaeng maputi, may itim ay mahabang buhok, at tanging likuran lang nito ang kaniyang nakikita. Hindi siya basta-basta naglalagay ng wallpaper na kinuha niya lamang sa google, pinterest, o kahit anong website. Mas nais niyang gamitin ang litrato na siya mismo ang kumuha. Hindi lang naman pagiging doktor ang hilig niya, kung sakali mang hindi siya pinalad na makapasa sa Med School ay ipupursigi niya ang pagiging photographer. Isa iyon sa mga pangarap niya noong bata pa lamang siya. Muling bumaba ang kaniyang tingin sa cellphone na hawak-hawak niya. May kung anong kakaiba sa pakiramdam niya. Iyong pakiramdam na sobrang pamilyar sa kaniya ngunit hindi niya magawang maalala. Na tila ba burado iyon

