CAROLINE “Eat all you can, we ordered the best dishes this place can offer,” nakangiting sambit ni Alesandra habang nakatayo sa tabi ng nakaupong si Celeste. Sa kabilang table ang puwesto nilang pamilya, lumapit lang talaga ito sa amin para paalalahanan kaming kumain ng mabuti. Pagbaba naming ay nakahanda na halos ang mga pagkain. May isang crew na nag-assist sa amin patungo sa reserved table para sa mga kasama ng mga Montenegro. “Naku, ang dami naman ho yata nito, Ma’am, baka hindi naming maubos,” namamangha at nahihiyang usal ni Carmina habang inililibot ang paningin sa mga pagkaing nakahain sa amin. Maya-maya ay may lumapit muli na waiter na may dalang tray at naglapag ulit ng pagkain. Ang dami nga. Ilang putahe rin itong nakahain sa harap. Iilan lang ang karne at manok, karamihan

