"Sir jess," masayang bati ni Shine ng makita ang dating prof n'ya sa college noong nag-aaral pa s'ya sa Psychology subject n'ya. Agad s'yang nag yuko ng ulo tanda ng pag galang. "Shine, hija." bati din ng Doctor na tinapik pa s'ya sa ulo. "Prof naman ang tanda ko na." ani Shine, tumawa naman ang doctor na niyaya muna s'yang pumasok sa clinic nito na sakto sana itong papasok sa isang pinto ng tawagin n'ya. "Wow! Pa clinic na pala kayo dito sa hospital? Nag tuturo pa po ba kayo?" ani Shine habang nag lilibot sa loob ng clinic ng dating professor at tiningnan ang mga plake nitong naka display sa shelves na naroon. "Yes, only 3 hours lang sa mga freshman student. How about you kumusta naman?" "Ito po maganda at sexy pa rin tulad ng dati." biro ni Shine na tumatawa na tinawanan din naman n

