"Ahhhhhhhhh! fu**... Isarado n'yo na po ang butas.. Ayoko na po...." malakas na sigaw ni Sunshine habang iniire ang anak sa clinic ng Tita Blessy n'ya habang ang kaibigan nitong OB ang nag papaanak sa kanya. Nailabas na n'ya ang dalawang bata hindi lang pala twin ang anak n'ya triplets pa. At ang walanghiyang si Apollo may pagsama pa sa loob ng delivery room. Isang bata pa lang ang inilalabas n'ya kanina nag collapse na. Nang mag kamalay ito ang pangalawa na ang inilalabas n'ya at ng ipatong na ang bata sa tiyan n'ya nakita n'yang na mumutla nanaman si Apollo. Kung hindi pa n'ya ito literal na minura baka bumagsak nanaman ito pero ng sabihin ng Ob na lalabas na daw ang pangatlo tuluyan ng nawalan muli ng malay si Apollo. "Ayoko na! Ang sakit na Tita." sigaw ni Shine habang tuloy pa rin an

