Mabilis na tumakbo si Shine ng marinig na lalabas si Kylie, muntik pa s'yang madulas sa pagmamadaling lumayo sa pinto saka nag panggap na bago pa lang s'ya parating. "Oh! uuwi ka na ba?" patay malisya pa n'yang tanong kahit narinig naman n'ya ang buong pinag-usapan ng dalawa kanina sa loob. "Hindi ka n'ya mahal wag kang masyadong umasa." wika ni Kylie ng magkaharap na sila. "Ganun ba, don't the feeling is mutual." "May anak kami hayaan mo na lang si Apollo sa akin, ikaw na lang ang kusang lumayo tutal wala ka naman pag-ibig sa kanya." ani Kylie na kinuha pa ang kamay n'ya na parang nag susumamo. Mabilis naman na binawi n'ya ang kamay. "3 ang anak sa akin ng impaktong lalaking sinasabi mo pero wag kang mag-aalala hindi ako na kikipag-agawan sa'yo. Masyado naman akong maganda para gawi

