Na alimpungatan si Apollo dahil parang kung may anong humihimod sa mukha n’ya. Kaya inaantok pa nag dilat s’ya ng mata at isang tuta ang nakita. Parang nagising ang lahat ng dugo n’ya ng makitang kamukha iyon ng dati n’yang alagang aso na aksidente n’yang napatay noon para iligtas si Shine. Napabangon s’ya ng ‘di oras at binuhat ang naturang aso saka napalingon sa asawa na nakaluhod sa kama na may suot pang party hat. “Happy birthday boyong.” unti-unting sumilay ang malawak na ngiti sa labi ni Apollo saka mabilis na kinintalan ng halik ang labi ng asawa. Noon pa n’ya gustong bumili ng aso ngunit nag kukuli s’ya dahil baka hindi magustuhan ni Shine. “This is a cane corso, where did you get this?” tuwang-tuwang tanong ni Apollo. Na pinag laruan na ang aso. “Pinabili ko kay Daddy.” “Naka

