"Kuya, si sigurado akong si Shine ang may gawa nito natitiyak ko buong pamilya nila. Ang gumawa nito sa akin." nag hihisterical na sigaw ni Ingrid habang umiiyak. "Kumalma ka nga muna bakit mo isisi kay Shine ang kapabayaan mo. Ikaw ang kusang sumama sa lalaking yun at kitang-kita na ikaw pa mismo ang unang gumawa ng moves. Kaya tigilan mo na ang pag hihisterical dahil kasalanan mo ang lahat ng ito." sigaw ni Ice. "How could you say that to your sister Ice." galit na sigaw ni Jojo sa anak. "Dad, ang akin lang wag n'yang ibintang kay Shine ang katangahan n'ya. Serial rapi** yung lalaking sinamahan n'ya na wanted na halos sa buong bansa at nagagawa n'yang makalabas masok sa iba't-ibang bansa. Kaya paano n'ya na sasabi na si Shine ng mag kasalanan ng lahat ng ito. Nag-iisip ka ba talaga."

