"Mag pahinga ka na kami na ang bahala sa triplets, tama na yang inom-inom na yan, Summer." saway ni Devin sa mga anak na kanina pa nag iinuman kasama ang mga pinsan na pare-parehas ng bagsak sa mesa. 2nd birthday kasi ng triplets kaya nag handa sila para sa pamilya lang at mga nag kayayaan lang na mag-inom. "Rycko tama na yan sawayin mo na yang asawa mo." Ani Devin na inaalalayan si Shine na tumayo na at susuray-suray na ng tayo. "Dad, malungkot si Shine kaya hayaan n'yo na muna kaming mag inom." ani Summer. 'Tumigil ka na, Rycko ayusin mo na yang asawa mo." tumayo naman si Rycko na medyo lasing na din. Akmang bubuhatin nito ang asawa ng hindi nito mabuhat. "Hindi ka tumae ano, bigat mo e." ni Rycko na sinabunutan pa ni Summer kung hindi lang kilala ni Devin ang dalawang ito sasapukin

