"Ayaw mo ba talagang mag pa ultrasound? para kasing dalawa ang laman ng tiyan mo?" wika ng Tita Blessy n'ya after s'yang i-ultrasound. "Naman Tita," reklamo ni Shine natawa naman si Blessy. "Para kasing dalawang heartbeat talaga ang naririnig ko e." "Hala naman! Sa isa pa nga lang po nag wo-worried na ako kung kaya ko bang maging Mommy tapos dalawa pa, tita naman."maktol ni Shine na napapakamot ng leeg. Tumawa naman si Blessy na pinahid ng tissue ang gel na inilagay sa tiyan ng pamangkin. "Nasa lahi natin ang twins wala kang magagawa. Si Ate Ara may kakambal, ikaw may kakambal din so wag ka ng mag taka kung kambal din ang anak mo." "Pero isang beses lang naman nangyari yun Tita tapos hindi pa masarap." reklamo ni Shine na halos pabulong na lang ang huling salita na tinawanan ni Blessy

