"Kuya Rycko." malakas na sigaw ni Sunshine na nag tatakbo para salubungin ng yakap si Rycko na mabilis na nag tago sa likuran ng asawa pero tuwang-tuwa naman na hinabol ni Shine saka mahigpit na niyakap sa likuran nito. "Huy! ano ba adik ka!" ani Rycko na itinutulak sa noo si Shine na abot tenga ang ngiti. "Sabi ni Apollo ikaw daw nag organize ng proposal n'ya, grabe ka! Akala ko puro ka lang pa abs, iba ka talaga bayaw . Kuya na talaga kita from now on." kilig na kilig na wika ni Shine na tinawanan ng lahat. "Kakakilabot ka." reklamo pa ni Rycko. "Si Rycko lang ang nag organize pero si Apollo ang naka-isip ng idea na isabay sa hosting mo." wika ng ina na nakangiti. "Hindi lang pala ti** ang malaki sa'yo pati puso mo." wika naman ni Summer na nakurot ng ama sa tagiliran. "Mga bibig n

