"Anong balak n'yong dalawa? Mag parami ng anak ng walang kasal?" tanong ni Devin habang naka-upo sa swivel chair sa gilid si Ara na naka halukipkip. "Hindi po sir." ani Apollo. "So, anong tawag sa ginagawa n'yong dalawa?' "Se*.' lakas loob na sagot ni Sunshine sabay peace sign sa ama na naka dampot ng box ng tissue na ibabato sana anak pero na pigilan ni Ara sabay kurot sa leeg ng asawa na napadaing na lang. "Ma, naman narinig mo naman ang sagot ng anak mo." reklamo ni Devin. "bakit ka kasi nag tatanong ng obvious na ang sagot. Ano pa ba sa tingin mo ang tawag sa ginagawa nila. Magalit ka kung sinabi nilang wala silang ginagawa kahit alam naman natin na meron." ani Ara. "Kaya ikaw Apollo, hindi kita binigyan ng chance para sa ganitong klaseng relasyon. Alam ko na hindi mo ibubuwis a

