Chapter 16

1505 Words
HAJIE: NAPANGITI ako na makitang nandito na sa harapan ng university si JM para sunduin ako. Kaagad na akong tumawid ng pedestrian lane at lumapit sa kinaroroonan nito. “Hajie!” Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse nang may tumawag sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko na malingunan si Shirley na patakbong humabol sa akin. Hinintay ko itong makalapit na tumawid ng kalsada. “Bakit?” tanong ko na nakakunotnoo. Hinihingal pa ito na humabol sa akin. Kinalma niya na muna ang sarili bago nagsalita. “Ano kasi, uhm, aayahin sana kitang kumain e. Okay lang ba?” tanong nito na alanganing ngumiti sa akin. “Pasen–” Magsasalita pa lang sana ako nang bumukas ang driver side ng kotse at bumaba ang mahal ko! s**t naman! “Love? Hurry up,” ani ng malambing na boses na ikinalingon namin ni Shirley dito. Kita ko pa sa peripheral vision ko na napaawang ng labi si Shirley na mapatitig sa dalagang bumaba ng kotse. Lihim akong napangiti na napakaganda ng JM ko na kahit sino ay mapapaawang ng labi kapag mapatitig sa kanya. Nagtanggal ito ng suot na sunglasses at saka ngumiti sa akin. “What's the matter? Hindi ka pa ba nagugutom, love?” malambing niyang tanong. Lumapit ako sa kanya na humalik sa pisngi niya at magaan siyang niyakap. “Sorry, love. May itinanong lang ang classmate ko. Tara na, nagugutom na rin ako,” sagot ko na ikinatango nitong napasulyap pa kay Shirley sa kabila. “Yes? Do you need anything, Ms?” medyo mataray nitong tanong na nakataas pa ang isang kilay. Kita ko namang nagbaba ng tingin si Shirley at kita ang pagdaan ng kirot at pagkabigo sa mga mata nito. “Wala po, ma'am.” Nakayuko nitong sagot saka tumalikod na. “Tara na, love. Gutom na ako e.” Wika ko na pina-normal ang boses. Bumaling ito sa akin na bahagya pang naningkit ang mga mata sa akin. Na tila nagdududa ito. “Who's that girl, hmm?” tanong nito. Napakamot ako sa batok. Sinalubong ang kanyang mga mata na matiim na nakatitig sa akin. “Kaklase ko, love. Kaklase lang, okay? Uhm, ano kasi– sa kotse na lang. Mainit oh?” wika ko na inalalayan itong umikot ng passenger seat at pinagbuksan siya ng pintuan. Sumunod naman ito na ikinangiti ko. Marahan kong isinarado ang pintuan bago ako umikot sa harapan at sumakay na rin sa driver seat. Matapos kong isarado ang pintuan, nagsuot na rin ako ng seatbelt at pinaandar na ang kotse. "So, who's that girl again, love?" tanong nito nang nasa highway na kami. Napasulyap ako dito na nakamata sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nakataas pa rin ang isang kilay habang nakahalukipkip ng mga braso sa dibdib. "She's my classmate nga. Hindi ko naman siya matatawag na kaibigan ko kasi, wala akong kaibigang babae dito, love. Classmate lang, kakilala gano'n. Oh, pagmamay-ari nga pala nila 'yong bar na pinapasukan ko dati. Kaya natanggap ako doon kasi si Shirley ang nag-recommend sa akin sa ama niya." Pagbibigay alam ko dito na napanguso. "She likes you." Komento nito. Napakibit balikat ako na sinulyapan ito at nagmamaneho ako. "Ang mahalaga naman ay. . . wala akong gusto sa kanya, 'di ba?" balik tanong ko. "Well, you're right naman d'yan. Hwag lang siyang sosobra sa linya niya bilang kakilala. You know, you are mine. No one allowed to flirt with you." Wika nito na ikinangiti kong inabot ang kamay nito at pinagsalinop ang palad namin. "Sisiguraduhin ko 'yan, love. Hindi ko naman siya type e. Wala kang dapat ipag-alala. Ipagpapalit pa ba kita?" wika ko na hinagkan ang palad nito. Napalingon ako dito at nahuli siyang nagpipigil mapangiti na napaiwas ng tingin. "Siguraduhin mo lang." "Opo." MAGKAHARAP kaming nagsalo ng tanghalian sa isang exclusive restaurant na pinuntahan namin. Naiilang pa ako at alam kong mamahalin ang pagkain dito pero, nagpa-reserved na kasi si JM dito sa restaurant kaya pumayag na ako. “How's your exam, love?” tanong nito habang kumakain kami. “Maayos naman, love. Pero hanggang bukas pa e. Mamaya, may dalawang subject pa kami kaya aabutin na ako ng alassingko sa school.” Tugon ko na ikinatango nito. “So, by five PM, susunduin na kita, okay?” wika nito na tinanguhan ko. “Sige, love.” Pagsang-ayon ko. “Ikaw, pumasok kang trabaho? Kumusta doon?” Napanguso naman ito. “Maayos naman. Kaibigan ko ‘yong manager namin doon kaya nababantayan ang restaurant kahit wala ako.” Tugon nito. Napatango ako na nagpatuloy sa pagkain. Maya pa'y napatitig ito sa akin na tila may malalim na iniisip. Nagtatanong ang mga mata ko na sinalubong ang kanyang mga mata. “Tumambay kaya ako sa parking lot niyo, hmm?” tanong nito na muntik kong ikasamid! “Ha?” Napainom ako ng iced tea ko at muntik akong mabilaukan sa kanyang tinuran. “Naniniguro lang na hindi ka na naman lalapitan ng babaeng ‘yon.” Wika nitong ikinatikhim ko at muntik ulit akong masamid! “Love naman. Hindi naman ako bata na kailangan mong bantayan sa school e.” Wika ko na nagpatuloy sa pagkain. “Iiwasan ko na lang siya, kung siya ang inaalala mo, love. May trabaho ka. Ayokong magpabaya ka sa trabaho dahil sa akin.” Napanguso naman ito. “Ayoko nga kasi na may nakadikit sa'yong babae.” “Iiwas ako. Iiwasan ko siya, love. Kahit sino sa mga babaeng classmates ko, iiwas ako kapag dumidikit sila sa akin, okay?” saad ko na matiim na nakatitig sa kanyang mga mata. Sa maiksing panahon naming pagsasama. Kabisado ko na ang ugali nito. Kapag ano ang sinabi, gagawin niya talaga. “Fine. May tiwala naman ako sa'yo, love. Ayoko lang na may ibang babaeng kumukuha sa attention mo.” Sumusukong pagsang-ayon niya na napasimsim sa straw ng iced tea niya. “Salamat sa tiwala, love. Hindi ko ‘yan sisirain kaya wala kang dapat ipag-alala sa akin.” Sagot ko dito na tumango. Matapos naming kumain, nagpahinga na muna kaming dalawa at may free time pa naman ako. Isa pa, masyadong mainit sa labas kaya ayoko namang doon pa kami tatambay. Mainam na dito sa loob ng restaurant at malamig dito. “Okay ka lang ba, love?” tanong ko na tahimik itong nakamata sa labas. Salamin kasi ang dingding ng restaurant kaya tanaw ang mga tao at sasakyang dumaraan sa labas nitong restaurant. Napabuntong hininga ito ng malalim na bumaling sa akin. Napalunok ako na mapatitig sa kanyang mga mata. Bakas ang halo-halong emosyon sa mga iyon, bagay na hindi ko alam kung para saan, p para kanino. “He called me, love.” Wika nito. Binundol ako ng kakaibang kaba sa dibdib. Wala pa man siyang sinasabing pangalan, alam ko na kaagad kung sino ang tinutukoy niya base sa pagtawag niya dito ng ‘he.’ “Ano'ng sabi?” kabado kong tanong. Napakibit balikat naman ito. “Wala naman. Well, inaaya niya akong kumain sa labas kanina pero, I rejected his invitation. Bakit pa, ‘di ba? Malinaw na sa aming dalawa na tinapos na namin ang naging relasyon namin noon. Alam mo, love? I just found out, nagsayang lang pala ako ng panahon sa kanya. Mahirap pala talaga kapag nagpapanggap kang masaya ka sa kanya, kahit ang totoo, nakukulangan ka.” Wika nito na ikinalunok ko. Napasimsim siya sa straw ng iced tea niya bago muling nagpatuloy at hindi ako nakaimik sa kanyang tinuran. “Sumasabay ako sa kanila kasi nga, magkakaibigan ang mga boyfriend namin ng mga kaibigan ko. Pero alam ko naman na hindi talaga ako kuntento sa relasyon namin. Alam mo ‘yong parang sumasabay ka lang sa mga kaibigan mo para hindi ka mapag-iwanan? Gano'n ang nararamdaman ko noon. Kaya siguro madali na rin sa akin na pakawalan siya at hayaan sa bago niya. Masaya nga ako e. Dahil sa paghihiwalay namin, nahanap kita.” Wika pa nito na napangiting inabot ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. Napangiti ako na marahang pinisil ang palad nito. Masaya ako dahil hindi siya naglihim sa akin. Na sinabi niya ang pagtawag sa kanya ng ex boyfriend niya. Kaya wala ding rason para maglihim ako sa kanya. Lalo na't sa nakikita ko, selosa siya. "Tingin mo ba. . . gusto na niyang makipag balikan sa'yo, love? Hindi malabong nalaman na niya ang tungkol sa atin, lalo na't ipinakilala mo ako sa mga barkada niya." Tanong ko dito na napanguso. "Siguradong sinabi na sa kanya ang tungkol sa atin, love. Pero-- ano ngayon?" tugon nito na lihim kong ikinangiti. "We're over now. Wala na akong pakialam sa kanya at kung ano ang gusto niya. Hwag lang siyang haharang harang sa daan natin. Baka masagasahan ko siya." Alanganin akong ngumiti sa kanyang tinuran lalo na't kita kong seryoso siya. Sa nakikita ko naman, naka-moveon na siya sa ex niya. Pero bilang lalake, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala dahil may nakaraan sila. Isang pagbabago lang ng isipan nito. . . maiiwan akong mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD