Third Person's POV Bored na nakaupo si Caius sa dulo ng table ng meeting hall habang nakatingin sa unahan. Kanina pa syang patingin tingin sa orasan dahil gusto agad nyang makauwi at makita ang asawa nya. Halos hindi sya ganon makapag focus sa trabaho kaiisip sa asawa nya, "So, in short, our company's sales this month increased by---" Napatigil ang representative sa unahan ng pagsasalita ng bumukas ang pinto ng meeting hall. "DAAD!!" Matinis na sigaw ng isang batang babae habang may hawak hawak na manika at tumatakbo papunta sa direksyon ni Caius. Bahagyang nanlakihan at naalarma ang mga tao sa loob ng meeting hall dahil ayaw na ayaw sa lahat ni Caius na naiistorbo ang meeting nila. Bahagyang napaayos ng upo si Caius at nanliwanag ang mukha ng makita ang bunsong anak nila ni Nia na si Z

