PROLOGO
Tito? Agad kong sinara ang pinto pero naharang niya ito gamit ang kamay niya. Bumalik lahat ng ala-ala ng mga ginawa niya sa'kin. Nanginginig ako sa galit.
"Hayop ka! Bakit ka pa bumalik dito ha!?" singhal ko sakanya.
"Hindi mo ba na miss ang uncle mo"
"Never ko ma-mi-miss ang hayop na kagaya mo. Umalis ka na rito bago pa ako tumawag ng pulis o baka gusto mong dito ka na mamatay?" nakangisi kong sabi rito.
"Aba, tumatapang ka na ngayon, ano bang maipagyayabang mo ha!?" Bigla niyang tinulak ang pinto.
Humakbang siya palapit sa'kin.
"Huwag kang lalapit, hindi mo magugustuhan ang mangyayari" nagbabantang sabi ko.
"Pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon. Kung papayag ka sa gusto ko walang masamang mangyayari" naka ngiti pa ito.
Mukha siyang manyak sa ngiti niya.
"Huwag na huwag mo na ulit ilalapit sa akin 'yang madumi mong kamay!"
Hindi ako nito pinansin at lumapit ito sa akin. Hinawakan ako nito sa braso.
Tinanggal ko ang kanyang hawak sa akin. Hindi na ako nagtimpi. Isang malakas na suntok sa kanyang mukha ang una kong ginawa, sinundan ng isang sipa sa kanyang tuhod. Napaluhod siya sa sakit. Mabilis akong tumayo at tumakbo palayo.
Ngunit bago pa man ako makalayo, naramdaman ko ang isang malakas na paghila sa aking paa. Nawalan ako ng balanse, at bumagsak sa malamig na semento. Ang aking mukha ang unang tumama, ang sakit parang nabali yata ilong ko. Sinubukan kong tumayo at pinunasan ang dugo sa aking mukha. Nagulat ako ng hilain nito at buhok ko. Ang sakit nun.
"Alam mo hindi natin kailangan humantong pa sa sakitan"
Isinandal niya ako sa dingding at ang isang kamay niya ay nakahawak sa dalawa kong kamay inilagay niya ito sa likod ko at hindi ako makagalaw sa higpit ng hawak niya.
"Huwag ka ng pumalag, mabilis lang naman ito" Bulong niya at dinilaan ang tenga ko na ikinatinding ng balahibo ko. Nakakadiri siya. Diniin niya pa lalo ang sarili niya sa akin. Sa galit ko ay ginamit ko ang aking ulo upang iuntog sa kanyang mukha. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan niya ang aking mga kamay.
Nang makarecover siya sa ginawa ko. Bigla itong lumapit at sinuntok ako nito sa sikmura. Hindi ako makagalaw sa sakit. Binuhat ako nito at hinagis sa kama sa kwarto ko pa talaga.
Nagsimula siyang tanggalin ang sinturon niya at hubarin ang pants niya.
"Kung dati hindi ko natuloy ang balak ko sayo, ngayon ko na tutuloy" nakangising sabi nito.
Sinubukan nitong pumunta sa ibabaw ko pero sinipa ko siya sa gitna niya. Napadaing siya sa sakit.
Bigla na lang sumabog ang lahat. Nandilim bigla ang paningin ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Bumalik kahat ng sama ng loob ko. Lahat ng sakit, lahat ng takot, lahat lahat. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kung dati ay halos hindi ako makalaban sakanya pero ngayon kaya ko na.
Sinuntok ko siya nang paulit-ulit at sinipa siya nang paulit-ulit, hanggang sa wala na siyang laban, hanggang sa puro dugo na ang kanyang katawan, hindi na siya makatayo. Tumigil lang ako ng halos dugo na ang nasa kamay at damit ko. Natauhan ako sa ginawa ko. Pagkatapos, tumakbo na ako palayo, ang aking katawan ay nanginginig sa galit at pagod. Hinding hindi na ako babalik sa lugar na ito. Ilang beses na nangyari 'to ayoko ng maulit pa.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa isang madilim na gubat na ako napadpad. Malayo pa ang siyudad, pero wala akong pakialam. Ang aking mga paa ay namamanhid na, ang aking katawan ay nanghihina, pero ang aking galit ay nagbibigay pa rin sa akin ng lakas. Paulit-ulit na bumalik sa aking isipan ang mukha ng aking tiyuhin, ang kanyang mga salita, ang kanyang mga kilos. Kailangan kong makalayo, kailangan kong makalimot. Pero paano? Ang bawat hakbang ko ay parang isang bangungot na paulit-ulit na nagpaparamdam sa akin ng takot at galit.
Maya-maya pa, napansin ko ang isang bangin sa aking harapan. Isang malalim na bangin, pero hindi lang ako ang naroon. May isang babae, nakaupo sa gilid ng bangin, hindi ko makita ang mukha niya. Nakatayo ito ay may hawak na bote. Mukhang balak niyang tumalon.
Lumapit ako sa kanya at nakatingin lamang sa mga ilaw na nanggagaling sa siyudad.
"Kung tatalon ka diyan," panimula ko. "hindi ka mamatay agad. Masyadong mababa ang bangin."
"It's none of your business. Go away." Tumingin siya sa akin ang mga mata niya ay puno ng kalungkutan at sakit.
"Kung ano man ang pinagdadaanan mo daanan mo lang. Tinignan monga ang kotse mo dinaanan lang 'yung puno."
"You don't know anything," sabi nito. "I don't want to feel this pain again. "If I disappear, the pain disappears too, right?" Tumingin ito sa akin at may munting luha sa mga mata niya.
"Go, tumalon ka. Hindi kita pipigilan."
"Tsk, I'll change my mind. You're so annoying." Sabi nito at pinunasan ang luha niya.
"Okay, then. Ako na lang tatalon."
Balak ko talagang tumalon dito kanina pa pero dahil nakita ko siya naudlot lang. Wala na rin naman akong pupuntahan at wala namang mag-aala ala kapag nawala ako. Tumawa ako ng mapakla.
Akmang tatalon na ako nang bigla niya akong hilahin. "Are you crazy? Maybe yes, look at your face! Ang dami mong dugo sa mukha at damit!"
Tumingin ako sa kanya, walang kabuhay-buhay. "Pagod na ako sa buhay ko, hindi ko na kaya. Wala naman na akong ibang puntahan at mas lalong wala rin namang mag aalala kapag nawala ako."
"How can I take someone's advice na hindi naman kayang i-apply sa sarili niya? Kanina lang ang sabi mo na daanan lang ang problema, tapos ngayon... tsk." naiiritang sabi niya.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.
“How about... Let's make a deal?”
“Deal? Anong deal ba'yan ha?”
“You will help me and I will help you” nakangiting sabi niya.
"You have nowhere else to go, right? Tanong niya tumango lang ako.
"You can stay at my place, but in one condition”
Anong condition ba'yan? Kahit anong condition nan 'yan papayag ako wala rin namang halaga ang buhay ko so why not na lubos lubusin ko na diba? basta 'yung kaya ko lang.
“Marry me"
To be continued.....