Lasing... "Hindi kayo titigil?" nanggigigil na turan na Ice kay Lexo at Ulap pero halata naman na sa mukha na nasisiyahan. Sa tabi niya nakaupo si Mattee na panay ang hagikgik habang may hawak na isang bite ng beer sa kaliwang kamay. Yung dalawa kase ay panay ang birit sa harapan habang si Kuya Aedree naman ay halos gumulong na kakatawa habang naggigitara. Si Milan, nakatayo din at panay ang giling na sinasabayan naman ni Julio. Maging si ate ay panay ang hagikgik. Napangiti ako. I scan the crowd in front of me. Sino ba ang mag aakala na pagkatapos ng ilang buwan ay makikilala ko sila? All these time, I was aloof with people. Takot na takot akong magpapasok ng mga tao sa buhay ko dahil takot na takot nga akong maiwan. Takot ako na masaktan sa huli. Sa isang iglap, nagbago ang lahat

