Matibay... "Ma naman e," nagpapapadyak ako sa harapan ng aking iina na panay lang ang tawa habang nakahiga sa kama. Hindi ko alam kung matutuwa ako o sasabog ako sa sobrang inis. Nag alala ako ng sobra. Habang nasa daan ay panay lang ako iyak. Nabasa na nga yung tshirt na suot ni Chase dahil sakin. Si Grey umiyak din kaya tuloy hindi makapagfocus yung kuya niya sa pagmamaneho. Si Ulap, tahimik lang sa harap na ipinagpasalamat ko kase kung umandar na naman siguro ang kalusawan ng utak ng lalaking to ay baka masipa ko na siya palabas ng sasakyan. Si Xantha ay tahimik lang din. Dumiretso kaming lahat sa ospital nang malaman namin ang balita. My mom collapsed due to overwork. Mabuti na lamang at sa cafe ito nangyari kaya naisugod agad siya sa ospital ng aming mga tauhan. Kung nagka

