Bibitaw.... "Bakit sambakol na naman yang mukha mo?" Nadinig kong tanong ni Ate. Kasunod niya si Mattee at Xantha na hindi ko alam bakit mga nakatambay sa bahay. Si Xantha nakapantulog pa. Hindi ko din magets bakit bigla silang naging close ni Ate. Simula yata ng dumayo siya dito nang nakainom, naging clingy na din siya sa kapatid ko. "Xantha wala ka ng bahay?" pinagtaasan ko pa siya ng kilay pero ngumuso lang siya. "Ayoko sa bahay nila Cinco. Palagi siyang nawawala. Baka nakabuntis na yun," sagot niya. Natawa naman ako ng bahagya. Si Cinco makakabuntis? Sa sungit nun baka lalapit pa lang yung babae matunaw na sa sama ng tingin niya. Sila nga ni Chase minsan hindi ko alam kung magkaaway ba o magtropa. Minsan nagsusungit pareho, minsan naman pareho pa akong inaapi. "E ikaw?" tanong k

