Ang hirap.... "Iyakin..." Napaangat ako ng kilay ng madinig ang sinabi ni Cinco. Kakapasok ko lang sa klase at umupo ako agad sa tabi niya. Ilang araw pa lang ang lumipas mayapos ang insidente sa bahay at nalaman kong hindi pala sila nakaalis agad ni Xantha sa bahay dahil ang mga walangya, nakatambay palang lahat sa labas ng pintuan ng aking kwarto, nakikinig sa pag uusap namin ni Chase. Nang madinig nila kaming humahagulgol na dalawa ay wala silang pakundangang nagsipasukan. Si Ulap at Lexo ay basta na lamang umupo sa kama ko samantalang si Ice ay dumirecho sa couch at dun din nahiga. Ang iba sa kanila ay agad kaming dinaluhan. Kuya Milan was silent. Nakatitig lang siya kay Chase pati si Kuya Aedree. Sila Matee, ate at Xantha ang humahagod sa likod ko. Ang tagal naming kum

