PABALIK NA SILA SA MANILA at dahil kulang na ang oras ay hindi na sila nakadaan ulit kila Sammy at Ethan. They were already in Pampanga at sinulyapan niya si Ali, tulog na tulog pa rin ito. He checked the time and it was almost nine in the evening. Nagabihan na sila dahil sinamahan pa nila ang ama na kumain ng early dinner. Naalala niya pa ang naging usapan nila ng ama kaninang umaga. Iniwan niya si Ali na tulog pa rin sa kwarto at nang bumangon ay hinanap niya ang ama at natagpuan na nasa garden ito. “What time is your flight tomorrow?” tanong nito sa kaniya pagkalapit niya pa lang rito. “Gabi pa naman but I need to go back to Manila ngayon dahil may mga ibibilin pa akong iba kay Rosie at Andrew.” “Andrew…” sabi nito, “siya ba iyong bayaw ni Ali na kinukwento mo dati? Ang naging dahi

