Kabanata 29 Mabilis na lumipas ang araw. Naging maganda na ang kondisyon ni Gio dahil magaling na ang sugat niya. Bumalik na rin siya sa trabaho habang ang mga pulis ay patuloy pa rin sa pag-iimbestiga sa nangyari noong nakaraan. Bumalik na rin kami sa bahay pagkatapos maghilom nang tuluyan ang sugat niya. Alam niya na hindi ako ganoon kakumportable kay Abuela lalo na at nandyan si Lara sa tabi niya kaya bumalik na kami sa bahay kahit na tutol si Abuela roon. Tumupad rin sa pangako si Gio na tutulong siya sa imbestigasyon kahit labag iyon sa loob nila. Sinubukan ko siyang kausapin na hindi niya na kailangan tumulong kung hindi naman kinakailangan pero sadyang desesido siya na makipagtulungan sa mga pulis. “Sigurado ka na ba rito apo? Hindi ko na ba mababago ang isip mo?” tanong ni Abue

