Chapter 50 Lies Hidden from a Handsome Beggar NAKATAYO lang si Ruhk at seryosong nakatingin sa walang buhay na katawan ng babaeng naglagay ng aphrodisiac sa bag ni Liana. Nakahandusay ang walang buhay nitong katawan sa kwarto na pinaglagyan nina Charles at naliligo sa sarili nitong dugo dahil sa mahaba at malalim na hiwa matapos nitong gilitan ang sariling leeg. Hindi makapaniwala si Ruhk na magagawang patayin ng babaeng ‘yon ang sarili nitong buhay hindi lang nila malaman kung sino ang nasa likuran ng mga pangyayaring ginawa nito kay Liana. Matapos ang pagbabalita ni Charles sa kaniya tungkol sa pagpapakamatay ng babae ay agad niyang pinuntahan ito, hindi na niya nagawang magpaalam kay Liana dahil sa kagustuhan niyang makita ang ginawa ng babaeng pagkitil sa sarili nitong buhay. “Mali

