Chapter 48 Lies Hidden from a Handsome Beggar WARNING: This whole chapter contains s****l content that is not suitable for young readers, read at your own risk. HINDI MAINTINDIHAN ni Liana kung bakit mas lalong sumisiklab ang init sa katawan niya sa bawat halik na binibigay ni Ruhk sa kaniyang mga labi, basang-basa na sila parehas ng tubig na nagmumula sa shower pero hindi magawang tapukin ng tubig na ‘yun ang init na nararamdaman ni Liana. Hindi sanay si Liana kung paanong humalik, inosente siya sa ganitong bagay, hindi man niya makontrol ang gusto ng katawan niya ay malinaw na malinaw sa kaniyang isipan ang kung anong nangyayari sa kanila ni Ruhk sa mga oras na ‘yun. Hindi inakala ni Liana na hahantong sila ni Ruhk sa ganitong tagpo, na siya mismo ang gustong mangyari ang nangyayari

