3RD PERSON POV BANG! Naigtad si Tristan, dahil sa malakas na putok ng b***l. Lumipas ang ilang sandali pero wala naman siyang nararamdaman. Sa halip ay mga sigawan ang kanyang naririnig sa buong paligid. Napamulat siya ng dahan-dahan at nakita na okay naman siya. Buhay pa rin at na nanatililing nakatali sa upuan. Pero nang dumako ang kanyang paningin sa paligid ay nagkakagulo na ang lahat. Mabilis na nagpulasan lahat ng mga kalalakihan at mga tauhan ni Baron na kanina lamang ay nakapanunod sa kanya. Nagtakbuhan na ang mga ito kung saan nagsimula ang mga tunog ng b***l. Nang masilayan niya ang mukha ni Baron, naglaho na ang kalmadong ekspresyon nito. Kunot na kunot ang kilay nito at bakas na ang galit sa matanda nitong mukha habang patuloy itong nag uutos at sumisigaw sa mga tauhan n

