3RD PERSON POV Ang mga sumunod na araw ay kay bilis na lumipas, pansin ni Tristan na laging busy at may pinagkakaabalahan si Cleo kaya di na lamang niya ito kinukulit. Hindi na rin siya naglakas loob na lumabas ng bahay dahil sa huling nangyari. "Cleo, anong ulam ang gusto mamaya?" tanong pa niya, habang naglalakad sila patungo sa garahe. Hindi naman ito lumingon pero sumagot pa rin. "Pasensya na Tristan, late na akong makakauwi mamaya, mag dinner ka na at wag mo na akong hintayin." Hindi na siya nagulat sapagkat halos isang linggo nang laging umuuwi ng late ito. 'Siguradong abala lamang ito sa trabaho kaya ayaw ko nang mag isip ng iba pa.' "Bye Cleo, ingat sa pagmamaneho!" aniya, sabay kaway pa sa paalis na sasakyan. ----------+++ OFFICE Mula noong napag usapan ni Cleo at He

