Chapter 7

1670 Words
TRISTAN POV Sa bilis nang mga pang yayari ay hindi ko na halos na alala kung paano nga ba ako nakapasok at nakasakay sa kotseng ito ulit. Parang kanina lang nagtatalo pa kami ni Cleo sa gitna ng parking lot. Tapos sa huli makukumbinsi din pala niya akong sumama pabalik sa kanya. 'Jusko lord, bakit ba anag rupok mo Tristan, may ipinaglalaban ka pa kanina pero bibigay ka din pala.' singit pa ng utak ko, kaya naman napailing na lamang ako. Muling bumalik sa aking isipan ang aming pinag usapan kanina. "Di ba, sabi mo wala kang pamilyang babalikan pa?" "Oo, ano naman kung ganun?" "Ibigsabihin pwede kang tumira kasama ko," ani Cleo na puno ng confidence habang nakangisi sa akin. Natulala naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy naiwasang isipin na baka may saltik ang isang to. Paano kaya niya nasabi ang bagay na iyon sa taong ngayon lang nya nakilala? "Nagbibiro ka ba?" hindi ko mapigilang tanong dito. "Mukha ba akong nagbibiro? Wag mong isipan na may hidden motives ako sayo. Kailangan ko lang ng taga bantay ng bahay." "Huh, parang katulong ganun?" "Hindi, wala kang kailangang gawin kung hindi bantayan lang ang bahay habang nasa trabaho ako. Yun lang." Hindi ko alam kung matatawa o maghihinala ba ako sa kilos at sinasabi ng lalaking to. Wala akong kailangang gawin kundi ang bantayan lang ang bahay nya. 'Tumatakbo ba ang bahay nya kaya kailangang bantayan?' Ramdam ko man na may kakaiba at itinatago taong ito, pero di ko maintindihan sa aking sarili kung bakit ba hindi ko sya kayang tanggihan. 'Pffft' lalo na kung nagpapa awa siya na para bang isang malaki pero cute na bear. Hindi ko sya matawag na aso, sapagkat napakalaking tao nitong si Cleo. Kung susukatin, baka lampas pa ng 6ft ang tangkad nito, malaki at may matipuno din itong katawan. Ganun din ang malakas na mga braso at---  'Okay tama na, iba na ang pinupuntahan ng utak ko.' "Haist, sige na nga. Oo na magtatrabaho na ako sayo." napapakamot na ani ko sa kanya. Hindi naman magkamaway ang saya sa mukha nito. ' Haist, mukha talaga syang bear.' At ngayon, bago umuwi. Pinilit pa ako nitong pumunta sa tinitirhan ko para kunin ang mga gamit ko. Matapos ang munting flashback sa aking isipan ay napadako ang aking paningin sa lalaking katabi ko at pangiti-ngiti pa habang nagmamaneho. Sa totoo lang, wala akong ideya sa mga bagay na tumatakbo sa isipan nito. 'Bakit at anong dahilan para umabot sa ganito ang pagmamalasakit niya sa akin. Hindi naman niya ako personal na kilala?' Bago pa sumabog ang utak ko sa pagpapag iisip ay pinili ko na lamang na tumingin at pagmasdan ang labas ng bintana. Ang bawat kalye at daan na aming dinadaanan ay talagang pamilyar para sa akin. Sa halos apat na taon ba namang paninirahan ko sa kalye, kapag nga naman di ko pa nasaulo na parang likod ng palad ko ang bawat lugar na ito ay nakakapagtaka talaga. Umalis ako sa aming probinsya baon ang isang magandang pangarap. Ang makatulong sa aking lolo at lola, makapag padala ng pera sa mga ito upang maibili ng gamot at paggastos na rin nila. Nakakatungkot mang isipin pero mukhang hindi ako sinuwerte nang mapunta ako dito sa maynila. Ang trabaho na inaasahan ko, ang kaibigan na kasama ko at ang pangarap na meron ako, lahat iyon ay naglaho ng parang bula at naging isang masamang panaginip. "TRISTAN!!! Bakit mo ako iniwan! Kasalanan mo ang lahat ng ito!" "---stan." "Tristan!" Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe, pasko ngayon kaya naman subrang higpit ng traffic sa Edsa. Napabuntong hininga pa ako dahil sa bagay na aking napanaginipan. Matagal nang naganap iyon pero hindi pa rin ako pinapatahimik hanggang ngayon. Tuluyan lang akong nagising nang maramdaman ang isang malaki at mainit na palad sa aking noo. Napatingala ako at nasilayan ang mukha ni Cleo. "Wala ka namang sakit, pinagpapawisan ka lang talaga," anito, habang marahang pinupunasan ang aking mukha na puno ng pawis. "Cleo, bakit mo ko pilit tinutulungan?" wala sa sarili kong tanong dito. Ramdam ko ang pagtigil ng kamay na masuyong nagpupunas sa akin. Tumingin ito sa akin ng deretso at ngumiti. Kumabog ng malakas ang aking dibdib nang makita ang ngiti na nakapaskil sa labi nito habang nababakas ang matinding kalungkutan sa mga mata nito. "Hm alam mo kasi Tristan, may kababata ako noon. Mahal na mahal ko sya at masasabi kong sya ang pinaka importanteng tao para sa akin--" Nailang ako dahil sa paraan ng pagtitig nito kaya napaiwas ako ng tingin dito. bukod pa roon ay may kakaibang kirot din akong naramdaman nang marinig ang sinabi niya. "-- pero alam mo, kahit gaano ko sya kamahal, hindi ko sya nailigtas at natulungan." pagpapatuloy pa nito. Unti-unti akong napaharap kay Cleo nang marinig ang pagkabasag ng boses nito. Wala nang emosyon tulad ng lungkot o pighati sa mukha nito. Para bang nawala na nag pwersahan ang emosyon na dapat meron ito. "Kaya ba gusto mo kong tulungan, para makabawi ka man lang sa mga bagay na di mo nagawa noon?" nayukong saad ko, habang pinaglalaruan ang seatbelt na nakayakap sa aking katawan. "Siguro nga." May katahimikan na namagitan sa aming dalawa, hanggang sa makarating sila sa lugar na kanyang tinitirahan. Tumigil ang kanilang sinasakyan sa isang kalye. Pansin ako ang pagtataka sa mukha ni Cleo habang nakatingin sa labas ng bintana. "Ah, Tristan wala namang bahay dito." Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa naguguluhang tanong nito. Ngayon ay nasa kahabaan kami ng street na puno ng malalaking building. Hindi na ako nagsalita at bumaba na lang, mabilis namang sumunod ito sa aking likuran. Sa pagitan ng dalawang mataas na gusali ay may isang eskinita. Doon ay matatagpuan ang munti kong bahay, gawa ito sa pinagtagpi-tagping yero, fly wood at mga sako. Para makapasok ay kinakailangang yumuko at gumapang. "Dito ako nakatira," ani ko, sabay turo sa barong-barong na nasa aming harapan. Nang pagmasdan ko ang ekspresyon nito ay napansin kong may lungkot at matinding awa na mabilis na dumaan doon sa mga mata. "Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa loob." yumuko muna ako para buksan ang kadenang nakalagay bilang lock sa maliit na pinto. Nang bumukas ang pinto ay gumapang ako papasok sa maliit na barong-barong para ayusin ang mga gamit ko. Maliit man ito pero ilang taon pa rin akong tumira dito, kaya nakakalungkot na kailangan ko na itong lisanin. Ang munting lugar na ito din ang nakasaksi sa mga kaganapan ng buhay ko sa mga lumipas na taon. Kumuha ako ng ilang damit na maayos pa at kakaunti ang butas, ganun din ang ilang shorts at underwear. Syempre hindi ko pwedeng iwan ang nag iisang larawan na aking baon mula ng umalis ako sa probinsya. Ang larawan namin ni lolo at lola nang isang beses na magtungo kasi sa peryahan. Bago lumabas ay itinago ko sa ligtas na lugar sa parte ng aking bag ang isang bagay na itinuturing kong kayamanan. Suot ko na ang bagay na ito mula ng magising ako noon. Nakaukit din rito ang aking pangalan. 3RD PERSON POV Tahimik na nakatayo sa labas ng maliit at pinag tagpi-tagping bahay si Cleo. Hinihintay niya si Tristan na kunin ang mga gamit nito doon. Habang pinagmamasdan niya ang kalagayan ng pamumuhay ng kababata sa mga lumipas na taon, hindi niya mapigilan ang sarili na mapayukom ang mga kamay dahil sa galit. Hindi galit para dito kundi sa kanyang sarili. Sana binilisan niya ang pag hahanap noon pa, sana hindi ito naghirap at naging pulubi ng maraming taon. Alam niya sa sariling hindi na niya kayang ibalik pa ang oras pero ngayong narito na si Tristan at magkasama na muli sila, sisiguraduhin niyang ibibigay dito lahat ng nais at gusto nito. Noon kahit mahina ang katawan ni Tris ay hindi pa rin ito tumitigil sa paghahanap ng paraan para makatulong sa kanya. Alam niya ang hirap na pinag daanan nito noon, pagkatapos ng lahat, kahirapam pa rin ang dinadanas nito ngayon. Yun ang isang bagay na di matanggap ni Cleo. Kapag walang pasok sa paaralan, na nanatili si Tris sa bahay sapagkat hindi siya pinapayagan ni Cleo na magtrabaho. Pero syempre alam at nakikita niya na kulang pa rin ang lahat ng paghihirap nito sa pagtatrabho dahil sa mga pangangailangan nila. Pambayad sa bahay, pagkain araw-araw at gastusin sa pag aaral. Lahat ng iyan ay ginagawan ni Cleo ng paraan sa pamamagitan ng pagpa-part time job mula umaga hanggang madaling araw. Hindi na lamang awa ang nararamdaman ni Tris kapag nakikita ang pagod at nahihirapang kaibigan. Mahalaga ito para sa kanya, mahal na mahal niya ito kaya naman kahit suwayin niya ang utos nito ay gagawin niya matulungan lang niya ito. Kaya naman, kapag araw ng paglalaba niya, tumatanggap din siya ng ilang labahin galing sa mga kapitbahay para kumita ng kaunting halaga. "Aling lena, nasan na po ang palalabhan nyo?" tanong pa niya dito habang sumisilip sa pinto ng bahay. "Ikaw pala Tristan, eto oh," sabi pa nito sabay abot ng basket na may lamang damit. "Ah sige po," sagot ko naman at nagtungo na sa poso para maglaba. Mabagal ang paglalaba ko para di ako agad mapagod tapos nagbabayad ako ng 5 pesos sa bata para ipagtungga nila ako ng tubig. Kapag naman sabado at linggo at nasa construction site si Cleo, nagtutungo naman si Tris sa bakery na malapit sa kanilang tinitirhan para magtinda doon. Mailit man ang sahod pero ayos na din basta may maipangdagdag siya sa lahat ng gastusin. Mahirap ang pamumuhay na ganito pero lumalaban silang dalawa para magpatuloy at sa hinaharap ay magkaroon din ng mas maayos na buhay. Kaya ngayong maayos na ang pamumuhay ni Cleo, hindi na niya hahayaan na maghirap pa si Tris muli. Hindi man siya naaalala nito, para sa kanya ay hindi na iyon mahalaga pa. 'Tris ko, hindi ka na makakaranas ng hirap. Yan ang isinusumpa ko.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD