3RD PERSON POV HABANG tumatawa at nagkukulitan, may na alala siyang isang bagay. "Teka T-Trix." tinulak pa niya nang bahagya ang matipuno nitong balikat. "Ano yun Tris ko?" hindi seryosong turan nito, habang patuloy na hinahalikan ang kanyang pisngi. "T-Trix, gusto ko lang malaman kung paano ako napunta sa ospital? At saka nakita mo ba si Ronan?" Napatigil naman ito sa ginagawang pang lalambing sa kanya nang marinig ang pangalang iyon. "Hindi namin siya nakita pero, sigurado akong ang taong yun ang tumawag samin." NAGMAMADALING lumabas ng elevator si Cleo nang makarating sila sa basement. '152, nasaan ka na?' binabasa niya ang mga numero sa bawat pintuan na kanilang nadaanan. Ilang sandali pa ang lumipas, malapit na sila sa dulo ng pasilyo nang makita nila ang hinahanap. "Dre, di

